Friday, December 28, 2007

The Reason

It feels like forever after my last blog entry, I have so many school stuff to do and some problems got in the way. I celebrated Christmas at my Mom's house in Antipolo, and there's no way to check the cyber world; well, there were computer shops but you just couldn't pour your thoughts and feelings when the place was irritating and there were some teenagers watching at your back.

All in all, masaya naman ang pasko ko kasi I'm with my family, nagsimba lang kami then simpleng salo-salo kasi la naman kaming pera. But Christmas is more than food and gifts isn't it? yes, I remember what the parish priest said during the Christmas eve mass:
"JESUS IS THE REASON FOR THE CELEBRATION" yeah, I guess he's right.

Yes, its more than gifts right? but I just can't get over with my Dad's Christmas gift for me. Sobrang tagal ko na siyang inaawitan for this, and voila! I have it. A Dell Laptop came all the way from the Kingdom of Bin Laden este Saudi Arabia pala. Thank you Dad! mmwwaahh!




Friday, December 14, 2007

Katang

Hindi pa rin ako nilulubayan ng katangahan ko. Kahapon papunta na ko sa bahay ng friend ko para makipagkwentuhan, nadulas ako sa last step ng hagdan namin kasi naapakan ko yung tsinelas na nakaharang dun. What happened was natapilok ang paa ko. As in dumausdos ako pababa at naramdaman ko ang pag tabingi ng paa ko. My golly! sa bigat kong 'to, imagine mo na lang yung nangyari sa paa ko. Napaupo ako sa sakit, gumapang sa ugat-ugat ko hanggang sa utak ko. Pare, tumutusok talaga yung sakit. Parang napilipit yung mga ugat ko sa paa. Di ko mapigilang umiyak, na natatawa kasi mukha akong sira nasa ilalim pala ako ng lamesa namin. As in sumisigaw ako sa sakit la naman tao sa baba kaya lang nakarinig sakin. Yoko na maramdaman yung ganung feeling ever.

Ang sakit tlga! What I did was, nilagyan ko agad siya ng ice then pinagulong gulong ko sa bote ng suka. Sobrang prone ako sa tapilok, I remember during my high school days nung varsity pa ko ng volleyball mas malala pa yung nangyayari sakin kasi nahuhulog ako sa matataas ng lugar tapos yung paa ko yung napupuruhan. Madali kasi akong ma-out of balance kasi maliit yung paa ko sobra. Parang di niya kaya yung katawan ko. Hep! I'm not fat.

Hayun namamaga yung paa ko hanggang ngayon but I still managed to go to school today kasi kailangan kong pumasok, nakabenda na lang yung ankle ko and nagslippers na ako. Dapat kasi may laro kami ng volleyball today sa school, pero hindi natuloy sa hindi ko malamang kadahilanan. Buti na lang kasi sa paa ko, di ako makakapaglaro ng ayos, mamamatay lang ako sa inggit. Nagcheer ng lang kami sa tropa kong mga lalake na nagbbasketball, nanalo naman sila kahit papano kahit na meron mga alien na nagbabakaw.

Mga 5:30 nagkita na kami ng Kendrick sa Lawton, sabay kasi kami pauwi. Nakita namin na jam packed nanaman yung Park 'n Ride, yun yung terminal ng bus. As in yung mga tao, spiral na yung pila nila, but we did it in a shortcut way sa kabilang kalsada may bus na nagbababa ng pasahero, byaheng dasma rin yun but yung terminal nila sa Sta. Cruz pa pero sumakay pa rin kami para diretso na pauwi, marami din nagsakayan. Di namin alam may pila din pala sa Sta. Cruz na sobrang haba. Hayun, nagalit yung mga tao, kesyo nakapila daw sila ng matagal dun tapos dadating yung bus na puno na. May umakyat na mama ng naka blue shirt, sabi niya

" Yung mga galing sa lawton bumaba na ho kayo, kasi may pila dito. Pinagalitan na yung driver and kundoktor "namin", masusuportahan niyo ba sila sa trabaho nila pag natanggal sila? Bumaba na ho kayo."

Nakita ko na nagcontract yung mga facial muscles ni Kendrick , mukhang aawayin niya yung lalake. sabi niya,

"Pare, may pilay yung kasama ko e,"

Pinabababa pa rin kami ng mama, natakot ako baka magkagulo pa kaya sabi ko bumaba na lang kami, pati yung iba bumaba na rin. kasi kung ako din yung nakapila dun, magagalit din ako e. Naging mahinahon na lang ako, sabi ko kay kendrick para maexercise ko na rin 'tong paa ko, tska magbonding tayo sa walkathon natin pabalik sa lawton. First time ko din kasi na maglakad sa Sta. Cruz bridge kaya medyo natuwa naman ako.

Ito ang di kinaya ng powers ko, nakita namin ni Kendrick yung bus na pinanaggalingan namin na umaandar na paalis. At yung mama na nagpababa sa amin, nagtitinda lang pala ng mani. Anak ng poodle! ang tigas ng mukha magpababa, maka driver "namin" pa siya. Hay naku, natawa na lang ako e, sabi ko may araw ka din sakin makakabawi din ako sa'yo tanda ko pa naman yung mukha nung kumag na yun.

Nakauwi din naman kami after makipagunahan sa mga tao sa isa pang bus sa may Lawton. At ginamitan na namin ni Kendrick ng technique namin, siya makikipagsiksikan para mabilis tapos susunod na lang ako para nakasave na siya ng upuan. hay sakit sa bangs!

Thank God nakauwi naman kami ng safe. Kanina iinom ako ng tubig kasi sobrang uhaw ko pagdating ko. May nabasa ako sa water container sa loob ng ref na nagpagaan ng loob ko after this long day with a lot of hustles and bustles. Nakaprint dun sa plastic container,

"The Lord is my shepherd, I have all what I need."

Amen. Thank you God for this day.



Wednesday, December 12, 2007

Off-Guarded

Iba yung feeling ko today. Parang nawala sa ayos yung dating maayos na plano ko. Yung thesis proposal namin was changed kasi too broad and too weak. damn it! So we have to change to the ever boring, cliche, too common, content analysis. hell yeah. badtrip! plus the fact nalula na ko sa investigatory report ko. Bakit ba ganito? from a well planned start, all of a sudden its out of track.

My mom confessed to me that she's feeling something bad. I think she's sick. My God, I really don't know what to do, I can't be with her everytime kasi pumapasok ako ng school plus malayo pa yung place namin sa kanya. Her only hope is us. Minsan napapatigil na lang ako, naiiyak. Bakit ba ganito. One time your happy, then something will come up that'll shake you.

I have already my pictures developed. Well, its my first time to shoot so ano pa bang aasahan ko? I think out of 36 shots, I have only 3 shots na medyo ok. (medyo lang) Good thing, mamimili lang kami ng isang picture na ipapasa with the contact print. Oh my... I really have to practice.




Monday, December 10, 2007

So Much for Money

Someone told me today that drinking makes me "bobo". No, not directly to me but he said it anyway. Well, sorry but I think you're wrong. Drinking, most especially with your friends, is one of the best therapy to someone who wants to remain sane and to forget that life sucks. The very thing that can give you a good cry when you want to. I think you should have known better.

I'm sorry if I "fucked up" your plans and your holiday [again]. I honestly don't intend this to happen. I thought I'm responsible enough in every single way but I was wrong; I'm not, for others. Money is the last thing I want to deal with. I know it cannot speak and move, but it causes so much than any human being can do. It destroyed my family. Even if I got mad, I can't get rid of that thing. I need it, I badly need it.

They say that Love makes the world go 'round, yes I believe in love but I think it should be Money makes the world go 'round isn't it? You can live without love, but you can't without money. I can't imagine myself saying this, you see I'm in love and I really can feel that love exists, but today the anger I feel for money comes rushing back again. I hate it. It made someone, whom I respect the most, the last person I want to disappoint, say to me that I'm "bobo".

I remember I did a poem years ago and I want him to read this, but I don't how and I don't know if he'll appreciate it.


When I was a kid
you promised to teach me Math
with the talking calculator,
I was excited
then you left.
I cried.

When you and mom got separated
you promised that
it will be the three of us,
I was encouraged
then you get married.
I cried.

When you talked to me about your marriage
you promised that nothing will change,
I did expect.
then I realized that everything
will never be the same again since you came back.
I cried.

Saturday, December 8, 2007

Fiesta at si Zaido

December 8, 2007 Feast of Immaculate Conception and our 56th monthsary. Nakakatuwa naman na buhay na buhay pa rin yung tradition ng fiesta lalo na sa Dasmariñas, Cavite. Hindi pa rin mawawala yung mga majorettes at mga musikerong nagmamarcha paikot ng bayan; kumpleto sa banderitas at iba pang palamuti; meron din iba't-ibang pagtatanghal na ginaganap sa plaza katabi ng simbahan at mga nagtitinda ng samu't saring kakanin sa daan. December 1 pa lang abala na ang mga tao sa bayan sa paghahanda, meron na ding mga nagpeperform sa entablado kaya naman traffic na sa bayan pag dating ng hapon. Applause to Dasmariñas local government [kahit na halos lahat ng decorations na makikita mo may letter "J", our mayor's first name initial]

Magandang pagkakataon sakin ito para makakuha ng mga litrato na ipapasa ko sa photography class ko. Gumising ako ng maaga para makapag photo shoot sa bayan ng 8am at magkikita kami ng paula para samahan niya ko at magbigay ng moral support. Nalimutan ko sinara na pala ang daan papasok ng bayan kaya simula hiway naglakad ako papasok. Nakakapagod yun infairness, its a 10 minute-walkathon. 8:30 na dumating si Paula [I don't want to mention that she was super late :-)]and we started to shoot infront of the church, sa mga tao sa paligid at mga bagay na hindi ordinaryong makikita sa daan. Habang hinihintay ko na dumaan yung mga banda, naghanap-hanap muna ko ng subjects. I am really thankful kay Paula kasi she was so very patient na pinagbuhat ko pa siya ng tripod at siya yung nakikiusap sa mga subjects kung pwede sila kuhanan ng litrato. Thanks dragon sobra.

At 10am I had already taken 20 photos and tinira ko yung next 16 shots para sa gabi. Biglang sumama yung pakiramdam ko parang lalagnatin ako, nahaggard ata ako sa ginawa ko. hay grabe, adventure tlga. 2 days before ng fiesta sabi ni Laurence, makikipagkita siya samin sa bayan ng 11am. So we waited her sa labas ng greenwhich. Ang tagal na namin naghihintay wal
a pa ring Laurence na nagpapakita. To think na nasagap na namin lahat ng alikabok sa kalsada, so we decided to call her up, since wala naman siyang cellphone. Yung kasambahay nila yung nakasagot at tinawag si Laurence. Ang lola mo, mukhang kakagising pa lang. At naaning at siya dahil nalimutan niya na magkikita pala kami. Hay nku si Laurence tlga kahit kelan.

Nagpunta na lang kami sa place nila Laurenc
e para makakain ng lunch at makapagpahinga na rin. Medyo sumasama na tlga yung pakiramdam ko nun e. Nakaidlip ako. Pag-gising ko, full of energy nanaman ko. Bumalik kami sa bayan to shoot again. Nakakatuwa kasi ang daming tao sa bayan, nagkita-kita kami sa kalye ng mga highschool friends namin at iba pang mga familiar faces. Haay ang saya.

Ang cute pa naming tatlo kasi yung mga shirt na suot
namin partner sa color ng finger nails namin. My red nails courtesy of Laurence; Paula had the white one and Laurence nails were green. yeah as in Merry Christmas!



At 7pm nasa Rinies nanaman kami,[kasi nga fiest diba?] Si Paula, Laurence and me pa lang yung nandun. Until dumating si Maki, maybibigay kasi si Laurence sa kanya pero umalis din agas kasi war [nanaman] sila. Tatlo nanaman kaming nainom, dumating na si John boyfriend ni Paula. Hayun, medyo nakarami talaga kami, todo kwentuhan. At grabe sobrang himala kasi hindi man lang umiyak si Laurence, tlgang behave s
iya infairness. And its something. Nahilo talaga ako, hehe.. di ko namamalayan sinuot ko pala yung helmet ni John. Yes! naka helmet ako habang nasa loob ng Rinies at habang nag-iinom. Hay ewan ko ba, pero sa naaalala ko, ang sarap ng feeling ng naka helmet that time parang may support yung ulo ko na bumibigat hehe.. Oo, para daw akong Zaido.

Zaido Red





Oo na, nakakatawa na.. hay naku. 9pm na dumating si Kendrick galing kasi siya sa friends niya, namiesta. Nice kahit monthsary namin late nanaman siya as always.. hay... pero nung nakita niya ko na naka helmet natawa naman siya. Sabi niya "Hal, para kang sira!" hehe... after an hour sumunod naman yung friends ni Kendrick, sila Aaron, Rommel and Jerome.

Ang saya grabe... We all went home tipsy but with a smile on our faces. "Sana Maulit Muli."

HAPPY FIESTA.

---> To follow na yung pictures that I have taken. Papadevelope pa kasi I'm using SLR camera e.Basta wait niyo na lang.


***

Natupad na yung isa sa mga pinapangarap ko. Na experience ko na din ang mapaos! yes as in walang boses. Di ko lang kung bakit nangyari eh, basta all of a sudden naging ganito na boses ko. Dati akala ko masarap pag napapaos, naiinggit pa nga ko sa mga friends ko na paos minsan hehe.. Pero ngayong naramdaman ko na, ang hirap pala. Ang hirap magsalita at kumanta. hehe.. Sana malayo pa yung reporting ko sa mga class ko. Kung hindi sibak! hehe...

Mic test.. mic test...

Lalalalala...Lalalalala..Lalalalala..Lalalalalala... wwaaaahhhh ang hirap!

Friday, December 7, 2007

HAVI BURDAY DRAGON!

My girls and I met yesterday to celebrate paula's "B" day at Rinies place and we had some sort of triple date with our guys. Paula with her boyfriend John, me with my lubbiedoodles Kendrick and Laurence with Maki umm.. teka.. too complicated e. hehe.. Basta ang alam ko we had a great time kahit na maaga pa mga pasok namin kinabukasan.



The day started at exactly 8:00 in the morning. Wala kasing kaplano plano eh, so I texted Paula that I will go to her place whether she like it or not (sapilitan?) no just kidding, I want to see her kasi I want to give my gift personally. So she replied and said, "Ok cge. Wat tym ka ppnta gurl? Now na! go go txt ka pg nsa tricycle ka na ah!" Yes, at nagulantang ako kakagising ko lang kasi at nahaggard na ko sa pagmamadali. Medyo masama pa yung panahon nun, umaambon pa when I left my house. Then dumiretso na ko sa kanila. Yun, pagdating ko hndi pa naliligo ang lukaret at nakipagkulitan pa. We watched final destination, di ko pa kasi napapanood yun kahit na napanood na ng buong family niya, (bday ko?)


Kumain kami ng tanghalian (sarap ng pansit ng mama ni Paula) Habang pauli-ulit namin pinag-uusapan ni Paula kung saan kaya namin lupalop makikita si Laurence. Wala kasi siyang phone kinuha ng "brother" niya so yun. Nakipag kita kami ni Paula kay John sa Robinson's imus at 3pm and dumiretso na kami sa church. Nakita namin si Maki sa bayan, galing siyang school and tinanong namin kung saan si Laurence, we got negative response. War ata sila. After that uwi kami sa bahay nila Paula kasi her Dad wants to talk to her boyfriend for the first time (interogation?). So yun, Di pa rin namin alam kung saan matatagpuan si joy. At 7pm we decided to go to Rinies place baka dun namin makikita sa Laurence so we tried our luck. Good thing!, nandun nga siya, at sinalubong niya kami ng napakasarap sa tengang hagulgol. Yeah umiiyak, medyo nakainom na ata siya. (Reason? For us only ;-)) Si Kendrick sumunod na lang siya galing school. So Paula ang I have already our guys, kaya nalungkot si Lawrence, She called Maki and asked to come up, nakipag bati (parang bata) hehe... so yun at around 8pm kumpleto na kaming six sa table and the crazy ride begun...



Paula and John has been couple for about nine months now. Di pa rin ako sanay na nakikitang ganun sa Paula kasi we grew up together na mga dragon. Well, ang mga dragon pala naiinlove din. Yeah we are. They're very sweet with each other na there were times na may sarili silang mundo nun hehe... Well, as a friend I find John very caring and quiet. Siguro kasi bago pa lang namin siya nakachikahan kaya ganun. I can see in their eyes and actions their overflowing love for each other. I hope they will love each other forever. Thanks Paula.




Laurence and Maki. Ang lover na hindi lover. gets? ang gulo no? kahit ako naguguluhan eh. They are both my close friends since high school. I witnessed their evolution, from a "musmos", to a youngster, hanggang sa magdalaga at magbinata na. Dati I call them Laurence and Mark, but now they want to be called as LJ ang Maki. But I can't di ako sanay eh, para sakin ganun pa rin sila. I never expected na maiinvolve sila with each other romantically. Ok, so naging sila kaso in some "private" reason nagbreak sila. However, until now may communication pa sila and the are always together. Parang ganun pa rin kaso lang di na sila. Magulo pa rin? hay naku. Basta ang masasabi ko lang, they both love each other pinipigilan lang nila. Haay buhay...





Ayun oh. Yeah its me at your service and my romeo, my knight in shining armor, my prince charming, my suka for chicharon, a key for my padlock, my pakaw for my earings, my toothpaste for my toothbrush, the keypad of my cellphone, my bestfriend, my brother, my partner... my life, Kendrick. Need I say more? hehe....






Tuesday, December 4, 2007

Thesis+Reports+Others= 5 minutong Pasko

Ang bilis ng panahon! December na pala, ang lamig na ng simoy ng hangin. Parang kailan lang nag-iisip pa ako ng gagawin sa summer vacation and ang mga preparations na ginagawa ko at the start of the school year. Ngayon, malapit nanaman magtapos ang taon. Haay... Hindi ako sanay kasi pag sapit ng hapon nagiiba na yung temperatura sa labas. Lahat ng tao nakasuot na ng kanya-kanyang style ng jacket. At hindi mo na kakayaning magsando at magshort kung magsstay ka ng matagal sa labas [pero nasa Pilipinas ka pa rin don't worry]. Iba kasi yung lamig ngayon kaysa sa mga nagdaang buwan na sunod-sunod ang bagyo. Kaya di mo mapipigilang masabi, "Hay, Pasko na!"



Minsan sa sobrang abala mo, sa dami ng ginagawa at iniisp mo, di mo nga namamalayan na bukas pasko na, or tapos na pala yung pasko. Kaso siguro lalong bibilis yung takbo ng panahon para sa akin kasi ngayong 3rd year college ang tinaguriang "Hell Year." As in yung tipong di ka magkakandaugaga sa mga gagawin mo like kung ano yung uunahin mo among these important things, which will serve as your requirements before you step on to 4th year.

First, as one of the news reporter of The LANCE [Letran's official newspaper] I have to submit news for our monthly issue. Three articles is the minimum, hay... Kaya 'to ng powers ko. Balita, balita, balita. I think I should have a radar with me para hindi na ko mahirapan sumagap ng balita.

Second, Thesis Proposal na namin ngayon. Yes, my dear. Thesis na! grabe. At hindi yun basta basta piraso ng papel na katulad sa high school na pwede kang mangopya or pwede pong i-copy paste without thinking about plagiarism. Itong papel lang naman ang magiging basehan mo kung makakagraduate ka or you'll stay for another months sa school.


Ang naisip naming topic is about Journalists Protection. Wala pa man nakikita ko ng madugo talaga 'to. Yung prosesong pagdadaanan mo hindi basta basta. Talk to the people who already completed their thesis and graduated, and to those who unfortunately experienced rejections. Please pray for me because this issue is very close to my heart. See I am a future journalist [hopefully] and this stuff is a great help for me and to all aspirants like me. Kakayanin ko 'to. Sana.



Third. Investigative Report ko. I am currently taking up Investigative Journalism as one of my subjects. Imbestigasyon ang drama nito! haay... Isa pa 'tong hindi basta basta, hindi lang grades ang nakasalalay dito kundi ang social life ko or worse, ang buhay ko. What?! Hindi pa pwedeng sabihin kung ano ang iimbistigahan ko this time kasi hindi pa ko nakakakuha ng leads. Pero if you're studying in Manila, malamang lagi mo 'tong nadadaanan, at hindi mo man lang napapansin ang kahalagahan nito. As a Filipino, sana magawa ko 'to ng maayos. Kaso malalaking tao ang mababangga ko dito and this issue involves millions of pesos. Kaya ko 'to [with my patner]

Natatawa ako sa Dad ko kasi sabi niya ibibili daw niya ko ng baril. Hay, ang mga tatay talaga. Pero in fairness na excite ako ah, ako pa! hehe... Pero on the other hand, kinakabahan ako hehe... Dami pa kong gustong gawin sa buhay. Yoko pang mategi. Hindi naman siguro. God is good. Haay..

***

Oo nga pala nagbati na kami ng boyfriend ko kahapon pa. At ako ang naunang nagtext hehe.. di ako nakatiis e, everyday kasi kami sabay umuwi galing school. Kaya tinext ko siya kung sabay ba kami umuwi ngayon. I thought hindi siya magrereply, baka badtrip pa rin siya dun sa nangyaring ka ekekan. Pero mabilis pa sa alas kwatro nagreply na siya. Kita na lang kami dun sa tagpuan namin.

At heto pa, nagiba ang ihip ng hangin! sabi ba naman ni mokong, sasamahan na daw niya ko sa ospital? hahaha gusto kong matawa eh. Nasa ospital kasi yung younger brother ko dadalawin ko sana. Nabanggit ko na kasi sa kanya yun nung nakaraan pero ang kunat ng sagot kaya di ko expected na sasamahan niya ko. Nag volunteer pa! shoshal! hahaha...

***

Grabe, lumalabo na ata yung mata ko. Kakaiba na yung sakit ng ulo ko and yung vision ko minsan nagiging blurred minsan parang lumilindol.. hala... yoko magsalamin. no no no.. kaya pa 'to. Papapak na ko ng carrots. Wag naman sana... Ang hirap kaya ng malabo ang mata! active pa naman akong tao kaya malaking hindrance sakin ang malabong mata! Help me!

Sunday, December 2, 2007

Pag Mababaw, Malalim din

I don't deserve this [gumagalaw pa yung pilik mata]. My boyfriend and I argued again about some petty reason. Anak ng poodle,[kailangang poodle?] diba nakakaasar pag mababaw yung pinagaawayan niyo? You know what? I believe na ang mabababaw na dahilan pag paulit-ulit, nagiging malalim din. Magulo ba? teka naguluhan din ako eh. Ganito yun.

Sunday. Ang saya kasi magkikita na kami after 3 days, corny but it feels like 3 years. Yun magsisimba nga kami which is regularly namin ginagawa. Nagkita kami sa aming tagpuan and dumiretso na kami sa simbahan, pagdating namin dun ang daming tao as in jam packed. It's because according to Bishop Buhain, today is the first day of advent season. yeah. Pero ayos lang kasi nakapasok naman kami sa loob and surprisingly, yung favorite spot naming upuan kasi harap ng electrifan was vacant. Ok na. everything went on the right track hanggang matapos yung misa.

"teka magwiwithraw lang ako" sabi ko sa kanya, tapos punta na kami sa atm machine like walking distance lang yun from the church. Pag dating namin dun anak ng poodle, [nanaman] off-line! asar.. ang masama pa yung next atm machine medyo 5 times farther than the first one. Heto na..

Sabi niya "diyan ka na lang sa landbank mag withraw."

Sabi ko hindi pwede kasi may bawas pa yun, kaya dun na lang kami pumunta sa atm machine na malayo. Tapos sumimangot siya, oo simangot. E sobrang sensitive pa naman ako sa mga reaction pero pinigil ko ang sarili ko, pinilit ko pa siya.

"Samahan mo ko sa grocery after ah," sabi ko

Nakusot nanaman mukha niya, kesyo may gagawin pa daw siya, ganito ganyan. At kung ano-ano pa.

Dun na napindot ang dragon button ko.

Sabi ko, "Umuwi ka na nga! Ako na lang magwiwithraw, ako na lang din pupunta sa grocery!" Sabay naglakad na ng mabilis. Tapos tinatawanan lang niya ko, tapos sinasabi pa niya,

"Heto nanaman kami."

Naku nainis ako lalo, kasi naman hindi lang 'to yung first time na ginawa everytime na magpapasama ako sa kanya lagi na siyang may dahilan kesyo ganito, ganyan. Ayaw na lang sabihin na ayaw niya. Unlike before, hay nagbabago talaga ang panahon.

Yun na nga, sabi ko umuwi na siya ako na lang e ang kulit sumusunod pa rin sakin, binilisan ko yung lakad ko. sunod pa rin siya. Tapos inaakbayan niya ko, umiiwas ako pero tumatawa pa rin siya. nakakaloko. Parang sa pelikula. literal. Nakawithraw na ko, e may sakayan dun ng jeep
sabi ko,

"Sumakay ka na, diba marami ka pang gagawin? Umuwi ka na!"

Sabi niya, "Hindi na sasamahan na kita sa grocery." nakangiti pa din ewan ko kung natatawa siya sa itsura ko o nangaasar lang talaga. Nagtagal kami dun nakatayo kasi di daw siya uuwi. Tapos niyayakap na niya ko. Pero parang peke, masabi lang [feeling ko yun ok?] pero kinilig ako in fairness kaya lang di ko pinahalata at magaling ako sa ganun.

"Tara na kasi! magsasara na yung grocery gumaganyan ka pa," aba ang halimaw nag demand pa! well napaisip ako kaya naglakad na ko, hindi ko pa rin siya pinapansin. Malapit na kami sa grocery, napindot nanaman yung dragon button ko.

"Umuwi ka na, hindi na ko mag ggrocery. Kung di ka uuwi ako ang uuwi!"

Yun na, ewan ko kung may button din siya ng katulad sakin pero naasar na siya. Kaya nag walk-out na. Uuwi na ata. Ako naman deadma, dirediretso hanggang grocery, parang robot habang namimili. Lumilipad yung isip ko, ewan ko parang may lump sa throat ko na gusto kong maiyak. Pero ayoko nakakahiya.

Nakauwi na ko sa bahay, inayos ko pinamili ko, tapos nag tiklop ng damit. Aba ang halimaw, tumawag!

Pacute pa yung boses, "hello?"

Ako naman parang may kinakain na maanghang, "hello!!!"

pacute nanaman, "galit ka pa?"

"Sige na, may gagawin pa ko," matamlay na ko.

"Anong gagawin mo?" may balak pang makipag kulitan? parang wala lang ah.

"Magsusulat. Sige na babay na." Tapos binaba ko na agad. Buti pa nga nag byebye pa ko sa kanya e. [utang na loob pa?]

Hay naku. Mababaw ba ko? Oo in a way, pero pag mababaw, malalim din ok?

Ako lang nakakaintindi nun.



Saturday, December 1, 2007

Mensfrustration

Sabado. Schedule ko ng paglalaba ng damit naming magkapatid. Ang hatian namin ng gawain, ako tagalaba hanggang sa pagbabanlaw, kapatid ko naman sa pagsasampay. Kaso nang nagsimula na yung pasukan, naging irregular na ang lahat. Every Saturday yung mga schedule ng mga extra curricular sa school, Minsan si Janine may laro [volleyball varsity kasi siya] so ang ibig sabihin nun lahat ng gawain niya ako gagawa, [kamusta naman un?] Pero ayos lang kasi pagdating ng gabi siya magpplansta ng uniporme namin. Minsan naman ako ang wala ng sabado, nagccover ng event para sa balita ng Dyaryo ng school; o kaya naman may mga unexpected lakad [asus?!] kaya si janine naman ang bahala.

Ngayon sabado, wala si Janine kasali kasi siya sa provincial meet ng secondary schools sa Cavite. Four days siya sa Tanza from Friday to Monday. So yun na nga wala na akong magagawa. Nag-iwan lang naman siya ng mga libagin na damit na ginamit niya during trainings. Medyo marami-rami din yung nilabhan at sinampay ko. Ang sakit sa balakang at sa pwet. Literal. Sa kinamalas-malasan pa, sinabayan pa ng aking buwanang dalaw.




Oo. buwanang dalaw, as in regla, menstruation period at kung ano pa man. Basta ang alam ko parusa 'to.

"Ouch!!!" ang sakit talaga ng puson ko sobra, kasabay ng pagkuskos dito, kusot dun ng damit ang kirot na parang nanunuot hanggang sa utak. Parusa talaga. Tapos napapansin ko parang hindi nababawasan yung labahan ko, ang dami kasi.

Sabi sakin ng teacher ko nung elementary, mag lakad lakad lang daw, para magcerculate yung blood. Sabi naman nung katulong namin dati, tumalon-talon, sabi naman ng lola ko lagyan daw ng mainit na towel sa ibabaw ng puson. Ang daming serimonyas! Buti na lang I master ang art ng "pagtitiis". Sabi nga nila, power of the mind lang. So yun, natapos ko na lahat, nakapag sampay na ko at nakasurvive ako sa cramps destruction. Haay.... Bakit ba kasi may ganung effect pa!

Natatawa ako kasi dati may narinig akong kwentong kutsero noong bata pa ako na nung unang panahon daw, ang mga lalaki daw yung unang biniyayaan ng magkaroon ng buwanang dalaw. Kaso ang baboy daw nila, kung saan saan daw nila pinapahid. Grabe. Pag naalala ko humahagalpak ako sa tawa. Masabi lang may maikwento sa mga bata. Talaga naman oh.



Nung nasa highschool naman ako, napagkkwentuhan namin ang samu't saring kalokohan este kasabihan pala tungkol sa buwanang dalaw, dalawa silang nagkwento nang mga "out of this world" na kwento. Si classmate #1 sabi niya para daw hindi mahirapan habang meron, tumalon daw ng tatlong beses para tatlong araw lang yung mens mo. Natatawa ka na? wala pa yan. Si classmate #2 para daw hindi magkapimples, ipahid mo daw yung panty with fresh blood sa mukha mo. Anak ng... kakaiba talaga! pambihira. O diba? meron ba sila nun? Sa Pilipinas lang merong mga ganyang kalokohan este kasabihan. Grabe.



Thursday, November 29, 2007

Magdalo, Traffic at ang Komedyante

"Ano nanaman 'to"

Nagising ako kanina ng alas diyes ng umaga and was preparing myself kasi I'll leave 2 hours before ng time ko sa photography class. Narinig ko yung tito ko and lola ko na parang may pinaguusapan; bumaba ako sa sala namin to find out what was the commotion about. I found out according to the news that Sen. Antonio Trillanes and Brigadier General Lim together with the Magdalo soldiers, left the RTC court at naglakad all the way to makati avenue until they reached Manila Peninsula Hotel at dun na nagstay for their press conference. Nagulat ako. first thought that came into my mind was "Parang napanood ko na 'to ah!" pero I admit na tension ako when I saw soldiers marching with high caliber weapons. I had to curtail my viewing kasi malelate na ko. Buti na lang yung nasakyan kong bus naka-on din yung t.v na para bang choicless ung mga passengers kasi nasakop na ng news yung mga daily shows on tv.

Trillanes, 25 other charged Magdalo comrades and Brig. Gen. Danilo Lim of the Army’s Special Action Forces, walked out of their coup d’etat hearing at the Makati Regional Trial Court’s Branch 148 at the 14th floor at around 10:42 a.m. The group marched through J.P. Rizal Avenue and then turned to Makati Avenue.
Read Full Article




I saw Trillanes saying something like, panahon na para bumaba yung Arroyo government etc...habang naglalakad sila. I saw our other soldiers silently marching, alerto sa paligid at madaling sumusunod sa mga utos ng nakakataas sa kanila.

you know what? di ko alam kung bakit may soft spot sakin ang mga sundalo--regardless sa kung anong pinaglalaban nila-- I'm speaking of soldiers as a whole. Kapag nakikita ko sila collectively na tahimik na sumusunod sa orders, running while carrying their guns, tumatayo mga balahibo ko... maybe because of their bravery or passion; I honestly do not know. Tinataya nila yung buhay nila to something na walang kasiguraduhan and these are all because of their vows to our government that as their mission, they will protect the country and its people.


Honestly, naawa ako sa kanila [magdalo soldiers] nararamdaman ko yung frustrations nila na bakit hindi sila sinosoportahan ng taong bayan, na bakit hindi sila sinasamahan sa pagaaklas na ginagawa nila for the second time. Tuluyan akong naluha nung nakita ko yung isang sundalo na hinihikayat niya yung mga tao na madadaanan niya na sumama sa kanila pero parang hindi siya naririnig. Pero tuloy pa rin siya. Mababaw talaga ang luha ko. Nakakahiya hindi ko namalayan na nakatingin pala sakin yung katabi ko, baka iniisip niya na kamag-anak ko yun or what. Kinakabahan ako that time na baka may dumanak na naman na dugo, and to think na pare pareho silang Pilipino. Nakakalungkot. Ewan ko ba kung bakit apektadong apektado ako nung nangyari, inatake nanaman ako ng patriotism ekek ko. Patuloy pa rin ako sa panonood ng balita, as in super attentive. Di ko napapansin na super traffic na din sa Bacoor hanggang coastal. Napayuko ako nung sinabi nung ininterview na magdalo soldier na hindi sila aalis, dun na daw sila mamamatay.


Malapit na ako sa school, tinignan ko yung oras sa phone ko nakita ko 30 minutes na pala akong late sa photography class ko, may quiz pa naman kami. Adding to the situation ang masungit na panahon at mabigat na dala kong SLR camera. With 2 inches heels, tinakbo ko ang kahabaan ng underpass sa lawton hanggang intramuros. As in haggard kung haggard. Pag dating ko nag-qquiz na sila pero my prof understood na malayo ang bahay ko kaya oks lang sa kanya, without knowing na one reason kung bakit ako nalate is because nanood ako ng news trail.

Uwian na namin, hindi pa rin ako tinantanan ng pangyayari kasi yung mga tv sa Letran grounds news yung palabas which is not ordinary na yung mga estudyante naging interesado sa pulitika. Kaya heto nanaman ako nanood nanaman ako and worse lalo akong naging OA kasi nakita ko na the government forces were starting to take the action. Inisip ko "Ano kayang gagawin ng magdalo group?" As in yung ilang estudyante nakatitig na sa screen kung ano na yung susunod na mangyayari. Nagloko pa nga yung kaibigan ko, sabi niya "Kaya lang nagkaganyan yan kasi naubusan ng ticket sa concert ni Akon!" hahahaha... silly... tapos naalala ko yung oakwood mutiny 4 years ago happened the day before ng concert ng F4 sa Philippines hehe... nice timing... Sen Trillanes.. hehe...

after the teargas explotion, the destroyed entrance of the hotel, the countless commotions, according to the news [past 6pm] Trillanes and the group decided to surrender. Iba-ibang reaction yung nakita ko sa mga nanonood, merong natuwa kasi walang gulo walang namatay, meron ding nadismaya kasi hindi sila nagsucceed, meron namang patay malisya, meron din namang natahimik. At ako yun. natahimik.nag-isip.pero halo-halo yung naiisip ko. ginawa ko kumain na lang ako ng mami para naman marefresh yung utak ko.

Hats-off to the media men! you did a great job! worth it lahat ng pinaghirapan niyo. You did inform the Filipino public very well to think that your lives were on the line. I'm proud of you guys. That is a responsible journalism. yeah it is.

Sorry na lang dun sa mamang matabang kalbo na nahuli at naitali kasama ng mga naaresto. Kasi ba naman ininterview siya nung reporter, akala taga media siya. Tinanong siya kung bakit siya hinuli, anong ginagwa niya sa loob ng hotel. Sabi niya, "Nakikiusyoso lang ako e." kabado pa niyang sinabi. wahahahahahaha!!!!!!!!

Di talaga mawawala ang komedyante sa Pilipinas.

Wednesday, November 28, 2007

KWENTOKOTO


photo courtesy of my dad



I love my life! Kahit na maraming unexpected things na dumadating sa buhay ko, I still can handle it. I know I'm strong but I'm not that strong... crybaby din ako.. pero sobrang bait sakin ni Lord that he gave so many precious gifts to me na hindi matutumbasan ng kahit ano. I mean may mga trials na dumadating but when I look at the other side of the coin may mga bagay pala na sobrang dapat ipagpasalamat. Sometimes hindi ko napapansin na nagiging instrument pala ako to other people's lives.

My first story: I came from a broken family. Simula bata palang ako, I witnessed my mom and dad's love for each other and their countless fights. One time nakatira pa lang kami sa barong-barong, somewhere in Manila. I was about 2 or 3 years old then. nangungupahan kami sa maliit na bahay, gawa sa kahoy. Sa itaas namin nakatira yung may-ari ng bahay [naging tropapips ko pa nga yung mga anak niya] tapos may babuyan dun, di ko na din maalala kung nasa ilalaim ba namin or where, I can't remember.

Pero kahit na sa ganung bahay lang kami nakatira, naramdaman ko for the first time at my young age that I have my family. Ako pa lang yung anak nun ng mom and dad ko. Minsan when my Dad will go to his work, isasama niya ko [somewhere in pasay ata.] dadaanan namin yung McDonald's pero hindi kami kakain kasi wala pa kami extra pera. Sasakay kami ng elevator, ang taas nga nung building. If my memory serves me right color pink yung pintura ng building. Pero minsan lang ako isama ng Dad ko sa work niya, sa tuwing uuwi naman siya may pasalubong siya sakin m&m's [favorite ko yun e.]

Pumapasok pa nga ako sa isang maliit na daycare nun, "Barangay ugay-ugay" daw yung name sabi ng daddy ko kaya hanggang ngayon yun yung tawag ko dun. Saling kitkit nga lang ako kasi napapansin ko mga classmates ko may ginagawa, ako wala. nagddrawing lang. pero talo ko sila kasi ako may baon na tinapay at chocolait.

Naalala ko din, sinali pa ko ni mama sa isang contest sa barangay namin, silver ang gown ko and may korona pa. Di ko lang kilala kung sino nag-make up sakin kasi sobrang kapal to think na bata-bata pa ko nun. nakakatawa. Escort ko pa yung isang batang artista noon si JR Herrera ata yun. I won the 1st place, feel ko hanggang ngayon ako dapat ang winner kaso may money involve ata. Yung magbebenta ka ng tickets, e hindi umubra yung kakulitan ng nanay ko and yung charm ng tatay ko kaya mas marami yung ticket nung friend ko na nanalo. I can't help but smile when I remember these things.

Kahit papaano masaya yung early part ng childhood ko. pero when I remember the next chapter of my childhood, di ko mapigilang maluha kasi all of a sudden, It's darkness. Una kong nakita na nag-away ang mom and dad ko dahil ata sa plantsa yun. [yes. plantsa]
Nagpalipat-lipat kami ng bahay, hanggang sa BF homes Parañaque kami natigil. Dun kasi yung bahay ng lola ko. Mayaman sila. Malaki yung bahay na marmol. Pero parang totoo nga yung kasabihan "Aanhin mo pa yung bahay na bato kung nakatira ay kwago, kesa sa bahay na kahoy na nakatira ay tao." Kasi simula nun namulat ako na hindi pala laging masaya.

Nagpunta yung daddy ko sa Saudi as an OFW. kami nalang natira pero before umalis yung daddy ko, pinanganak naman yung younger sister ko. Kaya tatlo na kami. Ang ganda ng first school ko. Mga madre yung nangangasiwa, madami akong natutunan sa kanila lalong lalo na tungkol sa aking pananampalataya. kaso ako ata yung pinaka salbahe dun, kasi palagi ata akong pinapatawag sa office kasi nangaaway ako ng mga lalake na siga tska nagbebenta ako ng mga accesories, bawal pala yun. pero yung guidance councilor namin bumili sakin ng singsing para daw sa anak niya,nakakatawa. Pero mahal na mahal nila ako. pinapakain pa nga nila ako sa kumbento pag nagugutom ako. [naalala ko pa nga niloloko nila ako, na magmadre na lang ako.] kaya after nun di na ko pumasok sa kumbento kasi natakot ako, ang tahimik kasi sobra.

Kung ganun kaganda yung school ganun din kamahal yung tuition, e diba hindi nga kami mayaman kaya nahirapan mama ko tuwing nadedelay yung padala ng tatay ko. Bago palang kasi siya sa trabaho. Nakikita ko na hindi na alam ni mama kung anong gagawin niya tuwing dadating yung examination period namin. Puro nga ako promissory note noon, buti mabait yung principal namin. minsan hindi na ata sila pumayag kasi may utang pa kami, e wala nga kameng pambayad. sabi ni mama hindi muna ako makakapag-exam, umiyak ako nun kasi gusto kong mag-exam, narinig ng tito bernie ko yung iyak ko kaya pinautang niya si mama pang bayad. [sumalangit nawa ang kaluluwa ng tito ko] nakapag exam ako.

Kaso hindi pa dun natatapos kasi tuwing dadating naman yung pasukan, start ng school year, e hindi pa nagpapadala yung daddy ko kasi delayed minsan yung sweldo nila dun. Kaya minsan october na ako nakakapasok, imbis na june. pero ok lang yun nakakahabol naman ako e.
Nung grade 3 ako, umuwi yung daddy ko galing saudi.

Umuwi din siya nung prep ako kaso mas memorable sakin yung grade 3 ako. Sa Valley 2 na kami nun nakatira. Ang drama nga nung pagdating niya kasi kaming tatlo nila mama and janine nanonood ng tv, [home along the riles yung palabas] tapos nagulat ako kasi may nakasilip na lalake sa pinto namin, kinabahan ako. si daddy pala. pumasok siya tapos nagyakapan kami parang sa pelikula. kinarga pa nga niya ako. si mama din niyakap niya pero hindi niya kinarga hehe. Ang saya nun, may pasalubong siya sakin na nagsasalitang calculator. tinuruan nya ko kung paano gumamit nun, tuwang tuwa ako.

Tapos nagpunta kami sa duty free [wow! sosyal na kame] kaso nung nandun na kami nag-away yung mom and dad ko kung anong gagamitin namin, basket ba o yung cart [dati plantsa lang pinagaawayan nila]. gusto ni mama cart, si daddy naman basket. e medyo malalaki yung bibilhin kaya nasunod si mama sa cart. pero habang naglalakad nag-aaway pa rin sila. nahihiya nga ko nun sa mga sales lady kasi lakas ng boses ng mama ko. pero di ko yun iniintindi kasi binili naman ako ni daddy ng laruan secret diary yung tawag dun.

Days had past, nagsisimula ko ng marinig yung mga away nila mama tuwing gabi. akala nila tulog na ko pero hindi pa. trapal lang kasi yung nagddevide sa kwarto and sala kaya gising na gising ako. umiiyak. hangga't hindi sila natutulog hindi rin ako natutulog nun... kinabukasan namamaga yung mata ng nanay ko. [halatang umiyak] ayaw pahalata.


Ang bilis ng panahon kasi nung grade four ako, nalaman ko na lang hiwalay na sila.
hindi pa magsink-in sakin yung ibig sabihin nun. Kaya habang tumagal natuon sa ibang bagay ang attention ko. nagkaroon ako ng hilig sa sports, una kong natikman ang alak, sigarilyo at nahiligan kong magsulat. Galit na galit kasi ako nun. wala akong masabihan kasi konti lang kaibigan ko, maldita kasi ako. pala-away, i guess epekto yun. sa sobrang tapang ko kahit sino wala akong kinakatakutan. Literal.

Parang ang bilis kong tumanda matapos nun. elementary pa lang ako, ang pag-iisip ko pang highschool, nung highschool naman ako gusto ko ng mag college, ngayong college na ako gusto ko ng magtrabaho. and you know what? Excited na ko sa magiging pamilya ko, sa asawa at mga anak ko. Kasi gagawin ko lahat para sa kanila. Hinding hindi ko ipaparanas sa kanila yung nangyari sakin.

Kaso matagal pa yun sobra. Kailangan kong matupad yung mga pangarap ko at pangarap ng pamilya ko. Ipapamper ko pa ang tatay at nanay ko. Magbabakasyon pa kami. Bibilhan ko pa sila ng mga bagay na gusto nila, dadalhin ko pa sila sa mga lugar na hindi nila nararating. Naging malakas ako dahil sa kanila. Hindi man ako matalino [hindi kasi sagana sa gatas, vitamins and pagtuturo ng magulang academically nung bata] marami akong kayang gawin na hindi nagagawa ng normal na babae. matapang ako. madiskarte. pero alam ko kung hanggang saan lang ang kaya ko. May direksyon ang buhay ko ngayon at may goal ako na kailangang marating. Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa trials nia binigay sakin ni lord.

God is Good. Kahit maldita ako naniniwala ako dun.
Wala pa sa kalahati yan ng kwento ng buhay ko. elementary pa lang yun. pero dun ang turning point ng buhay ko. kaya ang sarap balikan [masarap nga ba?].

Kung bibigyan pa ko ng chance sana bigyan pa ko ng lakas ng loob para maglahad. Sa una kasi nahihirapan akong magkwento, iniiwasan ko kasi yun. Masyadong sensitibo. Kaso baka may mga katulad ko na nakakaranas ng ganun sa kasalukuyan, baka makatulong pa ko.

Ang sarap pala sa pakiramdam. Amen.

Tuesday, November 27, 2007

The Necklace (My Personal Memoir)

All is ready. I am wearing a cute yellow Sunday dress match with two ribbons of the same color in my hair, a pair of small garnet earrings, white doll shoes and long white socks. The kitchen set birthday present is beautifully wrapped in pink and my Hello Kitty hankie place neatly in my pocket. My mom finally puts some Angel’s breath cologne all over me—my cologne since birth.

I’m very excited because my friend invited me to come over to her birthday party. I’m really crazy about the parlor games, ice cream, clowns and giveaways. I want to be one of the beautiful girls in the party. I am about to go to my friend’s house in front of ours when suddenly I remember my gold necklace with a letter J pendant. I want to wear it, to complete my getup. I give my mom a pitiful look and ask if I can wear it. She is hesitant because she thinks that I might loose the necklace. That was my father’s gift to me when he came back from the Middle East. I insist and promise to be very careful, it’s her weakness. Before I leave, she kisses me and says “have a wonderful time!”

Although the party is far from what I imagined—they do not have ice cream but gelatin and there are magicians instead of clowns— it is fun because my playmates are all there and we enjoy playing until the party is over. I’m happy with two plastic of giveaways and two blue balloons, one for me and the other is for my baby sister.

I hurriedly run back home because I’ll tell my mom about my escapades during the party. I open the main door and walk straight to my mother’s room. I find my mom fixing something and kiss her. I am about to change clothes when I touch my neck and realize that the necklace is lost.

I am shocked I don’t know what to do, and I start to sob. “Honey what’s wrong?” mom asks me. I know for sure that she will really get mad at me and, she’ll spank me hard. I am ready for that; “Mommy, I lost the necklace,” I cry. I expect to hear her familiar scream. Then I lay on the bed crying. But what happens is the least I expect.

The minute she heard what I said, my mom hurled her mirror unto me. It broke into pieces. She got hysterical. But I can’t barely hear her and understand what she was telling at me. I’m shocked, her rage makes me tremble with fear, and my whole body is numb.

I cry until night time, “How did she do that to me?” I ask to myself. I hate her and I want to leave our house immediately. Then it happens, my mom walks inside the room and sits behind me. I know it’s my mom, I can tell because of her familiar scent. She treats the scratches in my leg; she cleans and kisses the wounds. I look at her with teary eyes then she hugs me tight. That act tells me everything that is needed to be said. My anger and fear are all washed away. All I can feel is guilt and overflowing love and respect for her.

This is one of my most memorable experiences I had with my mom. Moments that I’ll forever cherish because these are not only about what my mom did and what I felt, but this kind of experience makes my relationship with my mom stronger and more passionate.

I’ll continue to savor each day my mom scolds me. I’ll miss that. I know she won’t be forever that strong, but I want to be always beside her even if the day will come that she can’t remember what my name is.

Sunday, November 25, 2007

Agony of the Flesh


The daughter of a well known maestro in the Baryo Apas stands like no other. Her crown of glory kisses her shoulders; its shiny waves emphasize her rounded jaw, and a pair of deep-set eyes that catch little light and a bunch of sinful scenes. The lips are lustful red and her smooth fair skin bares her mixed racial ancestry. In spite of the sweet admiration of most of the locals, Delia seldom speaks. Men are pleased whenever they hear her mutter a word or two. She is a familiar face in every gathering but can only be found in one corner with her abanico. Often, she is seen staring blank at a space while everybody chats and dances.

Her mother died, and she was left in the care of the maestro. When you look at the two, you might mistake them for lovers, since maestro’s features are not too old for Delia. Except that they always walk far from each other and the locals never saw Delia speak to him. Whenever the maestro arrives, she stiffens. Beads of sweat appear in her forehead, close fist. Her face turns pale from pink.

Everyday at around 3 o’clock in the afternoon, people walking around the maestro’s tisa-roofed house, hears Delia playing piano. She is good. She plays slowly, savoring each note like she is riding on the music. It is beautiful, yet haunting and sad. Then she shifts, starts playing harder, and an undercurrent of anger rushes through her music with intense passion. Loneliness, sadness, anger… she is an amazing musician.

When Father Clock strikes 6 at night, there is silence. Maestro is home. Delia starts to serve him like a slave to her king, like a puppet to her creator. When the maestro devours her, she writhes in pain. Every night she is terrified. When lights are off, her nightmare begins.


This was one of my writing activites in our Creative Non-Fiction class with Mrs. Theresa Espiritu. Our professor shown us a picture of a woman (image above) and she asked us to create a character based on the picture.

LESSON LEARNED

Grabe.. sunod-sunod mga di ka naisnais na pangayayari sa buhay ko ngayong buwan na 'to. anjan na ang death, sickness, nasirang monitor at nawalang resibo

DEATH. Well, sumakabilang buhay na ang tito ko. nakakalungkot kasi aside from the fact na wala na nga siya, ang dami pang umeksena na di ko mawari ang gustong mangyai sa buhay.. you know.. away at
tampuhan.... ewan ko ba di na ata maiaalis sa buhay ng tao yun. Basta ang alam ko mamimiss ko ang tito ko at sana masaya na siya ngayon kung san man siya... kung saan wala ng pain and worries. hayyy... nakakainggit...
LESSON LEARNED: Live life to the fullest!(gasgas na ba)? kasi life is too short! (gasgas na din?)



SICKNESS. My younger brother got sick two days ago at nakaconfine sya ngayon sa hospital. Wala pang resulta yung laboratory test sa kanya. Yes! two days had past and yet wala pa ding resulta kung anong sakit niya. (And we're mad at Desperate Housewives?) Malay ba natin kung ano na nararamdaman nung bata and yet wala pang mairesetang gamot. damn!

I remember one time in the same hospital. Mag dodonate sana kami ng boyfriend ko ng dugo para sa namatay kung tito nung may sakit pa siya. Binigyan kami ng qestionnairs 4 pages back to back. all about health questions. tapos na naming sagutan and we were invited sa loob nung clinic. tinanong kami ng isang nurse na bading about dun sa questionnairs, and he's so unproffesional! kasi habang nagtatanong siya nakikipagharutan sa mga babaeng nurse! to think na urgent yung blood donation. Edi asusual naginit nanaman yung ulo ko at todo simangot na ko.. nakahalata ata si bading kaya pinasa yung trabaho niya sa isa pang unproffesional nurse kasi as in pinapakita niya samin na tinatamad siyang gawin yun! (nanggigigil nanaman ako) tapos na yung lahat ng tinanong nila. nung nurse na tamad tinimbang ako... kulang daw sa weight kaya hindi pwede magdonate ng blood... heck! kung marunong siyang tlga, tinimbang muna niya ko bago niya kami pinasagutan at pinagtatanong... asar! yung boyfriend ko naman yung sunod. wala na ko dun kasi lumabas na ko ng room. after 5 minutes lumabas yung boyfriend ko.. sabi niya hindi rin siya pwedeng magdonate kasi kakagym niya lang kahapon... WHAT???? hindi ako nainis dahil ang daming proseso, i know that, but I really value time.. kaya ako nainis. parang mali yung sistema. and please... sa mga future nurse, I am proud of you.. really.. but please when you guys are there.. i mean in the proffesional world... please...please... Be proffesional and..........just be nice. ok?
LESSON LEARNED: Pag magddonate ng blood, be sure you have anough weight.


NASIRANG MONITOR. Sa course ko [journalism] aminin man natin sa hindi sobrang importante ng computer. I'm speaking as a future modern journalist here. Well sa lahat ng activities and writing projects ko I always use a personal computer or a laptop.

A week ago, tambak na yung mga writing activities ko, and I was ready to start the whole thing and turned my computer on. Tinamaan ng kangaroo, hindi bumukas yung monitor ko! but the cpu started to boot. Literal na naiyak ako... parang wala akong kalaban laban sa nangyari. At nakasalalay dun ang grades ko at the start of the second sem! (dialogue ko: "Mama ko!") Well I have my last resort, naalala ko yung old monitor ko, nangangamba pa ako kasi sa sobrang kalumaan nun baka hindi na rin umubra. But i did try. nag sign of the cross pa ko. Voila! bumukas nga siya... and I did finish what i had to finish. yun nga lang di ko alam kung hanggang kelan siya tatagal.. ang mali ko nag assume ako na tatagal pa tlga siya so... last two days, sa kalagitnaan ng ginagawa kong assignments and journals biglang bumilis yung kislap ng monitor... at parang nagpaalam pa siya sakin silently kasi dahan dahan siyang namatay. Dito na ko nagwala.... worse dun sa unang monitor.
LESSON LEARNED: Don't Assume!

NAWALANG RESIBO: yun na nga nasira na nga yung monitor ko. Nakakaasar kasi nga to think na one year palang namin nabibili yung package personal computer na woth 34,000 and then one year lang yung tinagal nung monitor? by the way ACER yung brand nung pc. The day after na masira yung monitor ko, i went directly to the shop where we baught the stuff. nagtanong ako sa salesman na mukhang hindi salesman about the warranty. he said na dalhin ko dun yung monitor together with the receipt and yung mga papers that comes with the package. Tapos nagtanong ako kung sila yung gagawa and sabi nung "salesman" hindi daw dadalhin daw nila sa acer service center sa manila and it will take a month bago ko pa makuha yung pc. hello???? a month? was he ok? di pwede yun. I have lots of things to do. Plus... paguwi ko, hinananap ko yung receipt sa pinagtaguan ko.. Swear to God and to my dad tinago ko tlga yun.. the problem is di ko na matandaan kung saan ko natago... sayang..
LESSON LEARNED: courtsey of my dad, keep the receipt!

natatakot ako.. kasi baka makita ko yung receipt pag hindi ko na siya kailangan.hehe I mean natatakot ako kasi alam kong mababadtrip ako! pero aminin niyo naexperience niyo din yun. yung isang bagay na kung kelan hindi niyo na kailangan tska magpapakita! asar diba?