Minsan sa sobrang abala mo, sa dami ng ginagawa at iniisp mo, di mo nga namamalayan na bukas pasko na, or tapos na pala yung pasko. Kaso siguro lalong bibilis yung takbo ng panahon para sa akin kasi ngayong 3rd year college ang tinaguriang "Hell Year." As in yung tipong di ka magkakandaugaga sa mga gagawin mo like kung ano yung uunahin mo among these important things, which will serve as your requirements before you step on to 4th year.
First, as one of the news reporter of The LANCE [Letran's official newspaper] I have to submit news for our monthly issue. Three articles is the minimum, hay... Kaya 'to ng powers ko. Balita, balita, balita. I think I should have a radar with me para hindi na ko mahirapan sumagap ng balita.
Second, Thesis Proposal na namin ngayon. Yes, my dear. Thesis na! grabe. At hindi yun basta basta piraso ng papel na katulad sa high school na pwede kang mangopya or pwede pong i-copy paste without thinking about plagiarism. Itong papel lang naman ang magiging basehan mo kung makakagraduate ka or you'll stay for another months sa school.
Ang naisip naming topic is about Journalists Protection. Wala pa man nakikita ko ng madugo talaga 'to. Yung prosesong pagdadaanan mo hindi basta basta. Talk to the people who already completed their thesis and graduated, and to those who unfortunately experienced rejections. Please pray for me because this issue is very close to my heart. See I am a future journalist [hopefully] and this stuff is a great help for me and to all aspirants like me. Kakayanin ko 'to. Sana.
Third. Investigative Report ko. I am currently taking up Investigative Journalism as one of my subjects. Imbestigasyon ang drama nito! haay... Isa pa 'tong hindi basta basta, hindi lang grades ang nakasalalay dito kundi ang social life ko or worse, ang buhay ko. What?! Hindi pa pwedeng sabihin kung ano ang iimbistigahan ko this time kasi hindi pa ko nakakakuha ng leads. Pero if you're studying in Manila, malamang lagi mo 'tong nadadaanan, at hindi mo man lang napapansin ang kahalagahan nito. As a Filipino, sana magawa ko 'to ng maayos. Kaso malalaking tao ang mababangga ko dito and this issue involves millions of pesos. Kaya ko 'to [with my patner]
Natatawa ako sa Dad ko kasi sabi niya ibibili daw niya ko ng baril. Hay, ang mga tatay talaga. Pero in fairness na excite ako ah, ako pa! hehe... Pero on the other hand, kinakabahan ako hehe... Dami pa kong gustong gawin sa buhay. Yoko pang mategi. Hindi naman siguro. God is good. Haay..
***
Oo nga pala nagbati na kami ng boyfriend ko kahapon pa. At ako ang naunang nagtext hehe.. di ako nakatiis e, everyday kasi kami sabay umuwi galing school. Kaya tinext ko siya kung sabay ba kami umuwi ngayon. I thought hindi siya magrereply, baka badtrip pa rin siya dun sa nangyaring ka ekekan. Pero mabilis pa sa alas kwatro nagreply na siya. Kita na lang kami dun sa tagpuan namin.
At heto pa, nagiba ang ihip ng hangin! sabi ba naman ni mokong, sasamahan na daw niya ko sa ospital? hahaha gusto kong matawa eh. Nasa ospital kasi yung younger brother ko dadalawin ko sana. Nabanggit ko na kasi sa kanya yun nung nakaraan pero ang kunat ng sagot kaya di ko expected na sasamahan niya ko. Nag volunteer pa! shoshal! hahaha...
At heto pa, nagiba ang ihip ng hangin! sabi ba naman ni mokong, sasamahan na daw niya ko sa ospital? hahaha gusto kong matawa eh. Nasa ospital kasi yung younger brother ko dadalawin ko sana. Nabanggit ko na kasi sa kanya yun nung nakaraan pero ang kunat ng sagot kaya di ko expected na sasamahan niya ko. Nag volunteer pa! shoshal! hahaha...
***
Grabe, lumalabo na ata yung mata ko. Kakaiba na yung sakit ng ulo ko and yung vision ko minsan nagiging blurred minsan parang lumilindol.. hala... yoko magsalamin. no no no.. kaya pa 'to. Papapak na ko ng carrots. Wag naman sana... Ang hirap kaya ng malabo ang mata! active pa naman akong tao kaya malaking hindrance sakin ang malabong mata! Help me!
No comments:
Post a Comment