I don't deserve this [gumagalaw pa yung pilik mata]. My boyfriend and I argued again about some petty reason. Anak ng poodle,[kailangang poodle?] diba nakakaasar pag mababaw yung pinagaawayan niyo? You know what? I believe na ang mabababaw na dahilan pag paulit-ulit, nagiging malalim din. Magulo ba? teka naguluhan din ako eh. Ganito yun.
Sunday. Ang saya kasi magkikita na kami after 3 days, corny but it feels like 3 years. Yun magsisimba nga kami which is regularly namin ginagawa. Nagkita kami sa aming tagpuan and dumiretso na kami sa simbahan, pagdating namin dun ang daming tao as in jam packed. It's because according to Bishop Buhain, today is the first day of advent season. yeah. Pero ayos lang kasi nakapasok naman kami sa loob and surprisingly, yung favorite spot naming upuan kasi harap ng electrifan was vacant. Ok na. everything went on the right track hanggang matapos yung misa.
"teka magwiwithraw lang ako" sabi ko sa kanya, tapos punta na kami sa atm machine like walking distance lang yun from the church. Pag dating namin dun anak ng poodle, [nanaman] off-line! asar.. ang masama pa yung next atm machine medyo 5 times farther than the first one. Heto na..
Sabi niya "diyan ka na lang sa landbank mag withraw."
Sabi ko hindi pwede kasi may bawas pa yun, kaya dun na lang kami pumunta sa atm machine na malayo. Tapos sumimangot siya, oo simangot. E sobrang sensitive pa naman ako sa mga reaction pero pinigil ko ang sarili ko, pinilit ko pa siya.
"Samahan mo ko sa grocery after ah," sabi ko
Nakusot nanaman mukha niya, kesyo may gagawin pa daw siya, ganito ganyan. At kung ano-ano pa.
Dun na napindot ang dragon button ko.
Sabi ko, "Umuwi ka na nga! Ako na lang magwiwithraw, ako na lang din pupunta sa grocery!" Sabay naglakad na ng mabilis. Tapos tinatawanan lang niya ko, tapos sinasabi pa niya,
"Heto nanaman kami."
Naku nainis ako lalo, kasi naman hindi lang 'to yung first time na ginawa everytime na magpapasama ako sa kanya lagi na siyang may dahilan kesyo ganito, ganyan. Ayaw na lang sabihin na ayaw niya. Unlike before, hay nagbabago talaga ang panahon.
Yun na nga, sabi ko umuwi na siya ako na lang e ang kulit sumusunod pa rin sakin, binilisan ko yung lakad ko. sunod pa rin siya. Tapos inaakbayan niya ko, umiiwas ako pero tumatawa pa rin siya. nakakaloko. Parang sa pelikula. literal. Nakawithraw na ko, e may sakayan dun ng jeep
sabi ko,
"Sumakay ka na, diba marami ka pang gagawin? Umuwi ka na!"
Sabi niya, "Hindi na sasamahan na kita sa grocery." nakangiti pa din ewan ko kung natatawa siya sa itsura ko o nangaasar lang talaga. Nagtagal kami dun nakatayo kasi di daw siya uuwi. Tapos niyayakap na niya ko. Pero parang peke, masabi lang [feeling ko yun ok?] pero kinilig ako in fairness kaya lang di ko pinahalata at magaling ako sa ganun.
"Tara na kasi! magsasara na yung grocery gumaganyan ka pa," aba ang halimaw nag demand pa! well napaisip ako kaya naglakad na ko, hindi ko pa rin siya pinapansin. Malapit na kami sa grocery, napindot nanaman yung dragon button ko.
"Umuwi ka na, hindi na ko mag ggrocery. Kung di ka uuwi ako ang uuwi!"
Yun na, ewan ko kung may button din siya ng katulad sakin pero naasar na siya. Kaya nag walk-out na. Uuwi na ata. Ako naman deadma, dirediretso hanggang grocery, parang robot habang namimili. Lumilipad yung isip ko, ewan ko parang may lump sa throat ko na gusto kong maiyak. Pero ayoko nakakahiya.
Nakauwi na ko sa bahay, inayos ko pinamili ko, tapos nag tiklop ng damit. Aba ang halimaw, tumawag!
Pacute pa yung boses, "hello?"
Ako naman parang may kinakain na maanghang, "hello!!!"
pacute nanaman, "galit ka pa?"
"Sige na, may gagawin pa ko," matamlay na ko.
"Anong gagawin mo?" may balak pang makipag kulitan? parang wala lang ah.
"Magsusulat. Sige na babay na." Tapos binaba ko na agad. Buti pa nga nag byebye pa ko sa kanya e. [utang na loob pa?]
Hay naku. Mababaw ba ko? Oo in a way, pero pag mababaw, malalim din ok?
Ako lang nakakaintindi nun.
No comments:
Post a Comment