I love my life! Kahit na maraming unexpected things na dumadating sa buhay ko, I still can handle it. I know I'm strong but I'm not that strong... crybaby din ako.. pero sobrang bait sakin ni Lord that he gave so many precious gifts to me na hindi matutumbasan ng kahit ano. I mean may mga trials na dumadating but when I look at the other side of the coin may mga bagay pala na sobrang dapat ipagpasalamat. Sometimes hindi ko napapansin na nagiging instrument pala ako to other people's lives.
My first story: I came from a broken family. Simula bata palang ako, I witnessed my mom and dad's love for each other and their countless fights. One time nakatira pa lang kami sa barong-barong, somewhere in Manila. I was about 2 or 3 years old then. nangungupahan kami sa maliit na bahay, gawa sa kahoy. Sa itaas namin nakatira yung may-ari ng bahay [naging tropapips ko pa nga yung mga anak niya] tapos may babuyan dun, di ko na din maalala kung nasa ilalaim ba namin or where, I can't remember.
Pero kahit na sa ganung bahay lang kami nakatira, naramdaman ko for the first time at my young age that I have my family. Ako pa lang yung anak nun ng mom and dad ko. Minsan when my Dad will go to his work, isasama niya ko [somewhere in pasay ata.] dadaanan namin yung McDonald's pero hindi kami kakain kasi wala pa kami extra pera. Sasakay kami ng elevator, ang taas nga nung building. If my memory serves me right color pink yung pintura ng building. Pero minsan lang ako isama ng Dad ko sa work niya, sa tuwing uuwi naman siya may pasalubong siya sakin m&m's [favorite ko yun e.]
Pumapasok pa nga ako sa isang maliit na daycare nun, "Barangay ugay-ugay" daw yung name sabi ng daddy ko kaya hanggang ngayon yun yung tawag ko dun. Saling kitkit nga lang ako kasi napapansin ko mga classmates ko may ginagawa, ako wala. nagddrawing lang. pero talo ko sila kasi ako may baon na tinapay at chocolait.
Naalala ko din, sinali pa ko ni mama sa isang contest sa barangay namin, silver ang gown ko and may korona pa. Di ko lang kilala kung sino nag-make up sakin kasi sobrang kapal to think na bata-bata pa ko nun. nakakatawa. Escort ko pa yung isang batang artista noon si JR Herrera ata yun. I won the 1st place, feel ko hanggang ngayon ako dapat ang winner kaso may money involve ata. Yung magbebenta ka ng tickets, e hindi umubra yung kakulitan ng nanay ko and yung charm ng tatay ko kaya mas marami yung ticket nung friend ko na nanalo. I can't help but smile when I remember these things.
Kahit papaano masaya yung early part ng childhood ko. pero when I remember the next chapter of my childhood, di ko mapigilang maluha kasi all of a sudden, It's darkness. Una kong nakita na nag-away ang mom and dad ko dahil ata sa plantsa yun. [yes. plantsa] Nagpalipat-lipat kami ng bahay, hanggang sa BF homes ParaƱaque kami natigil. Dun kasi yung bahay ng lola ko. Mayaman sila. Malaki yung bahay na marmol. Pero parang totoo nga yung kasabihan "Aanhin mo pa yung bahay na bato kung nakatira ay kwago, kesa sa bahay na kahoy na nakatira ay tao." Kasi simula nun namulat ako na hindi pala laging masaya.
Nagpunta yung daddy ko sa Saudi as an OFW. kami nalang natira pero before umalis yung daddy ko, pinanganak naman yung younger sister ko. Kaya tatlo na kami. Ang ganda ng first school ko. Mga madre yung nangangasiwa, madami akong natutunan sa kanila lalong lalo na tungkol sa aking pananampalataya. kaso ako ata yung pinaka salbahe dun, kasi palagi ata akong pinapatawag sa office kasi nangaaway ako ng mga lalake na siga tska nagbebenta ako ng mga accesories, bawal pala yun. pero yung guidance councilor namin bumili sakin ng singsing para daw sa anak niya,nakakatawa. Pero mahal na mahal nila ako. pinapakain pa nga nila ako sa kumbento pag nagugutom ako. [naalala ko pa nga niloloko nila ako, na magmadre na lang ako.] kaya after nun di na ko pumasok sa kumbento kasi natakot ako, ang tahimik kasi sobra.
Kung ganun kaganda yung school ganun din kamahal yung tuition, e diba hindi nga kami mayaman kaya nahirapan mama ko tuwing nadedelay yung padala ng tatay ko. Bago palang kasi siya sa trabaho. Nakikita ko na hindi na alam ni mama kung anong gagawin niya tuwing dadating yung examination period namin. Puro nga ako promissory note noon, buti mabait yung principal namin. minsan hindi na ata sila pumayag kasi may utang pa kami, e wala nga kameng pambayad. sabi ni mama hindi muna ako makakapag-exam, umiyak ako nun kasi gusto kong mag-exam, narinig ng tito bernie ko yung iyak ko kaya pinautang niya si mama pang bayad. [sumalangit nawa ang kaluluwa ng tito ko] nakapag exam ako.
Kaso hindi pa dun natatapos kasi tuwing dadating naman yung pasukan, start ng school year, e hindi pa nagpapadala yung daddy ko kasi delayed minsan yung sweldo nila dun. Kaya minsan october na ako nakakapasok, imbis na june. pero ok lang yun nakakahabol naman ako e. Nung grade 3 ako, umuwi yung daddy ko galing saudi.
Umuwi din siya nung prep ako kaso mas memorable sakin yung grade 3 ako. Sa Valley 2 na kami nun nakatira. Ang drama nga nung pagdating niya kasi kaming tatlo nila mama and janine nanonood ng tv, [home along the riles yung palabas] tapos nagulat ako kasi may nakasilip na lalake sa pinto namin, kinabahan ako. si daddy pala. pumasok siya tapos nagyakapan kami parang sa pelikula. kinarga pa nga niya ako. si mama din niyakap niya pero hindi niya kinarga hehe. Ang saya nun, may pasalubong siya sakin na nagsasalitang calculator. tinuruan nya ko kung paano gumamit nun, tuwang tuwa ako.
Tapos nagpunta kami sa duty free [wow! sosyal na kame] kaso nung nandun na kami nag-away yung mom and dad ko kung anong gagamitin namin, basket ba o yung cart [dati plantsa lang pinagaawayan nila]. gusto ni mama cart, si daddy naman basket. e medyo malalaki yung bibilhin kaya nasunod si mama sa cart. pero habang naglalakad nag-aaway pa rin sila. nahihiya nga ko nun sa mga sales lady kasi lakas ng boses ng mama ko. pero di ko yun iniintindi kasi binili naman ako ni daddy ng laruan secret diary yung tawag dun.
Days had past, nagsisimula ko ng marinig yung mga away nila mama tuwing gabi. akala nila tulog na ko pero hindi pa. trapal lang kasi yung nagddevide sa kwarto and sala kaya gising na gising ako. umiiyak. hangga't hindi sila natutulog hindi rin ako natutulog nun... kinabukasan namamaga yung mata ng nanay ko. [halatang umiyak] ayaw pahalata.
Ang bilis ng panahon kasi nung grade four ako, nalaman ko na lang hiwalay na sila. hindi pa magsink-in sakin yung ibig sabihin nun. Kaya habang tumagal natuon sa ibang bagay ang attention ko. nagkaroon ako ng hilig sa sports, una kong natikman ang alak, sigarilyo at nahiligan kong magsulat. Galit na galit kasi ako nun. wala akong masabihan kasi konti lang kaibigan ko, maldita kasi ako. pala-away, i guess epekto yun. sa sobrang tapang ko kahit sino wala akong kinakatakutan. Literal.
Parang ang bilis kong tumanda matapos nun. elementary pa lang ako, ang pag-iisip ko pang highschool, nung highschool naman ako gusto ko ng mag college, ngayong college na ako gusto ko ng magtrabaho. and you know what? Excited na ko sa magiging pamilya ko, sa asawa at mga anak ko. Kasi gagawin ko lahat para sa kanila. Hinding hindi ko ipaparanas sa kanila yung nangyari sakin.
Kaso matagal pa yun sobra. Kailangan kong matupad yung mga pangarap ko at pangarap ng pamilya ko. Ipapamper ko pa ang tatay at nanay ko. Magbabakasyon pa kami. Bibilhan ko pa sila ng mga bagay na gusto nila, dadalhin ko pa sila sa mga lugar na hindi nila nararating. Naging malakas ako dahil sa kanila. Hindi man ako matalino [hindi kasi sagana sa gatas, vitamins and pagtuturo ng magulang academically nung bata] marami akong kayang gawin na hindi nagagawa ng normal na babae. matapang ako. madiskarte. pero alam ko kung hanggang saan lang ang kaya ko. May direksyon ang buhay ko ngayon at may goal ako na kailangang marating. Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa trials nia binigay sakin ni lord.
God is Good. Kahit maldita ako naniniwala ako dun. Wala pa sa kalahati yan ng kwento ng buhay ko. elementary pa lang yun. pero dun ang turning point ng buhay ko. kaya ang sarap balikan [masarap nga ba?].
Kung bibigyan pa ko ng chance sana bigyan pa ko ng lakas ng loob para maglahad. Sa una kasi nahihirapan akong magkwento, iniiwasan ko kasi yun. Masyadong sensitibo. Kaso baka may mga katulad ko na nakakaranas ng ganun sa kasalukuyan, baka makatulong pa ko.
Ang sarap pala sa pakiramdam. Amen.

No comments:
Post a Comment