Sabado. Schedule ko ng paglalaba ng damit naming magkapatid. Ang hatian namin ng gawain, ako tagalaba hanggang sa pagbabanlaw, kapatid ko naman sa pagsasampay. Kaso nang nagsimula na yung pasukan, naging irregular na ang lahat. Every Saturday yung mga schedule ng mga extra curricular sa school, Minsan si Janine may laro [volleyball varsity kasi siya] so ang ibig sabihin nun lahat ng gawain niya ako gagawa, [kamusta naman un?] Pero ayos lang kasi pagdating ng gabi siya magpplansta ng uniporme namin. Minsan naman ako ang wala ng sabado, nagccover ng event para sa balita ng Dyaryo ng school; o kaya naman may mga unexpected lakad [asus?!] kaya si janine naman ang bahala.
Ngayon sabado, wala si Janine kasali kasi siya sa provincial meet ng secondary schools sa Cavite. Four days siya sa Tanza from Friday to Monday. So yun na nga wala na akong magagawa. Nag-iwan lang naman siya ng mga libagin na damit na ginamit niya during trainings. Medyo marami-rami din yung nilabhan at sinampay ko. Ang sakit sa balakang at sa pwet. Literal. Sa kinamalas-malasan pa, sinabayan pa ng aking buwanang dalaw.
Oo. buwanang dalaw, as in regla, menstruation period at kung ano pa man. Basta ang alam ko parusa 'to.
"Ouch!!!" ang sakit talaga ng puson ko sobra, kasabay ng pagkuskos dito, kusot dun ng damit ang kirot na parang nanunuot hanggang sa utak. Parusa talaga. Tapos napapansin ko parang hindi nababawasan yung labahan ko, ang dami kasi.
Sabi sakin ng teacher ko nung elementary, mag lakad lakad lang daw, para magcerculate yung blood. Sabi naman nung katulong namin dati, tumalon-talon, sabi naman ng lola ko lagyan daw ng mainit na towel sa ibabaw ng puson. Ang daming serimonyas! Buti na lang I master ang art ng "pagtitiis". Sabi nga nila, power of the mind lang. So yun, natapos ko na lahat, nakapag sampay na ko at nakasurvive ako sa cramps destruction. Haay.... Bakit ba kasi may ganung effect pa!
Natatawa ako kasi dati may narinig akong kwentong kutsero noong bata pa ako na nung unang panahon daw, ang mga lalaki daw yung unang biniyayaan ng magkaroon ng buwanang dalaw. Kaso ang baboy daw nila, kung saan saan daw nila pinapahid. Grabe. Pag naalala ko humahagalpak ako sa tawa. Masabi lang may maikwento sa mga bata. Talaga naman oh.
Nung nasa highschool naman ako, napagkkwentuhan namin ang samu't saring kalokohan este kasabihan pala tungkol sa buwanang dalaw, dalawa silang nagkwento nang mga "out of this world" na kwento. Si classmate #1 sabi niya para daw hindi mahirapan habang meron, tumalon daw ng tatlong beses para tatlong araw lang yung mens mo. Natatawa ka na? wala pa yan. Si classmate #2 para daw hindi magkapimples, ipahid mo daw yung panty with fresh blood sa mukha mo. Anak ng... kakaiba talaga! pambihira. O diba? meron ba sila nun? Sa Pilipinas lang merong mga ganyang kalokohan este kasabihan. Grabe.
No comments:
Post a Comment