Magandang pagkakataon sakin ito para makakuha ng mga litrato na ipapasa ko sa photography class ko. Gumising ako ng maaga para makapag photo shoot sa bayan ng 8am at magkikita kami ng paula para samahan niya ko at magbigay ng moral support. Nalimutan ko sinara na pala ang daan papasok ng bayan kaya simula hiway naglakad ako papasok. Nakakapagod yun infairness, its a 10 minute-walkathon. 8:30 na dumating si Paula [I don't want to mention that she was super late :-)]and we started to shoot infront of the church, sa mga tao sa paligid at mga bagay na hindi ordinaryong makikita sa daan. Habang hinihintay ko na dumaan yung mga banda, naghanap-hanap muna ko ng subjects. I am really thankful kay Paula kasi she was so very patient na pinagbuhat ko pa siya ng tripod at siya yung nakikiusap sa mga subjects kung pwede sila kuhanan ng litrato. Thanks dragon sobra.
At 10am I had already taken 20 photos and tinira ko yung next 16 shots para sa gabi. Biglang sumama yung pakiramdam ko parang lalagnatin ako, nahaggard ata ako sa ginawa ko. hay grabe, adventure tlga. 2 days before ng fiesta sabi ni Laurence, makikipagkita siya samin sa bayan ng 11am. So we waited her sa labas ng greenwhich. Ang tagal na namin naghihintay wala pa ring Laurence na nagpapakita. To think na nasagap na namin lahat ng alikabok sa kalsada, so we decided to call her up, since wala naman siyang cellphone. Yung kasambahay nila yung nakasagot at tinawag si Laurence. Ang lola mo, mukhang kakagising pa lang. At naaning at siya dahil nalimutan niya na magkikita pala kami. Hay nku si Laurence tlga kahit kelan.
Nagpunta na lang kami sa place nila Laurence para makakain ng lunch at makapagpahinga na rin. Medyo sumasama na tlga yung pakiramdam ko nun e. Nakaidlip ako. Pag-gising ko, full of energy nanaman ko. Bumalik kami sa bayan to shoot again. Nakakatuwa kasi ang daming tao sa bayan, nagkita-kita kami sa kalye ng mga highschool friends namin at iba pang mga familiar faces. Haay ang saya.
Ang cute pa naming tatlo kasi yung mga shirt na suot namin partner sa color ng finger nails namin. My red nails courtesy of Laurence; Paula had the white one and Laurence nails were green. yeah as in Merry Christmas!
At 7pm nasa Rinies nanaman kami,[kasi nga fiest diba?] Si Paula, Laurence and me pa lang yung nandun. Until dumating si Maki, maybibigay kasi si Laurence sa kanya pero umalis din agas kasi war [nanaman] sila. Tatlo nanaman kaming nainom, dumating na si John boyfriend ni Paula. Hayun, medyo nakarami talaga kami, todo kwentuhan. At grabe sobrang himala kasi hindi man lang umiyak si Laurence, tlgang behave siya infairness. And its something. Nahilo talaga ako, hehe.. di ko namamalayan sinuot ko pala yung helmet ni John. Yes! naka helmet ako habang nasa loob ng Rinies at habang nag-iinom. Hay ewan ko ba, pero sa naaalala ko, ang sarap ng feeling ng naka helmet that time parang may support yung ulo ko na bumibigat hehe.. Oo, para daw akong Zaido.
Zaido Red
Oo na, nakakatawa na.. hay naku. 9pm na dumating si Kendrick galing kasi siya sa friends niya, namiesta. Nice kahit monthsary namin late nanaman siya as always.. hay... pero nung nakita niya ko na naka helmet natawa naman siya. Sabi niya "Hal, para kang sira!" hehe... after an hour sumunod naman yung friends ni Kendrick, sila Aaron, Rommel and Jerome.
Ang saya grabe... We all went home tipsy but with a smile on our faces. "Sana Maulit Muli."
HAPPY FIESTA.
---> To follow na yung pictures that I have taken. Papadevelope pa kasi I'm using SLR camera e.Basta wait niyo na lang.
***
Natupad na yung isa sa mga pinapangarap ko. Na experience ko na din ang mapaos! yes as in walang boses. Di ko lang kung bakit nangyari eh, basta all of a sudden naging ganito na boses ko. Dati akala ko masarap pag napapaos, naiinggit pa nga ko sa mga friends ko na paos minsan hehe.. Pero ngayong naramdaman ko na, ang hirap pala. Ang hirap magsalita at kumanta. hehe.. Sana malayo pa yung reporting ko sa mga class ko. Kung hindi sibak! hehe...
Mic test.. mic test...
Lalalalala...Lalalalala..Lalalalala..Lalalalalala... wwaaaahhhh ang hirap!
Mic test.. mic test...
Lalalalala...Lalalalala..Lalalalala..Lalalalalala... wwaaaahhhh ang hirap!
No comments:
Post a Comment