Friday, December 14, 2007

Katang

Hindi pa rin ako nilulubayan ng katangahan ko. Kahapon papunta na ko sa bahay ng friend ko para makipagkwentuhan, nadulas ako sa last step ng hagdan namin kasi naapakan ko yung tsinelas na nakaharang dun. What happened was natapilok ang paa ko. As in dumausdos ako pababa at naramdaman ko ang pag tabingi ng paa ko. My golly! sa bigat kong 'to, imagine mo na lang yung nangyari sa paa ko. Napaupo ako sa sakit, gumapang sa ugat-ugat ko hanggang sa utak ko. Pare, tumutusok talaga yung sakit. Parang napilipit yung mga ugat ko sa paa. Di ko mapigilang umiyak, na natatawa kasi mukha akong sira nasa ilalim pala ako ng lamesa namin. As in sumisigaw ako sa sakit la naman tao sa baba kaya lang nakarinig sakin. Yoko na maramdaman yung ganung feeling ever.

Ang sakit tlga! What I did was, nilagyan ko agad siya ng ice then pinagulong gulong ko sa bote ng suka. Sobrang prone ako sa tapilok, I remember during my high school days nung varsity pa ko ng volleyball mas malala pa yung nangyayari sakin kasi nahuhulog ako sa matataas ng lugar tapos yung paa ko yung napupuruhan. Madali kasi akong ma-out of balance kasi maliit yung paa ko sobra. Parang di niya kaya yung katawan ko. Hep! I'm not fat.

Hayun namamaga yung paa ko hanggang ngayon but I still managed to go to school today kasi kailangan kong pumasok, nakabenda na lang yung ankle ko and nagslippers na ako. Dapat kasi may laro kami ng volleyball today sa school, pero hindi natuloy sa hindi ko malamang kadahilanan. Buti na lang kasi sa paa ko, di ako makakapaglaro ng ayos, mamamatay lang ako sa inggit. Nagcheer ng lang kami sa tropa kong mga lalake na nagbbasketball, nanalo naman sila kahit papano kahit na meron mga alien na nagbabakaw.

Mga 5:30 nagkita na kami ng Kendrick sa Lawton, sabay kasi kami pauwi. Nakita namin na jam packed nanaman yung Park 'n Ride, yun yung terminal ng bus. As in yung mga tao, spiral na yung pila nila, but we did it in a shortcut way sa kabilang kalsada may bus na nagbababa ng pasahero, byaheng dasma rin yun but yung terminal nila sa Sta. Cruz pa pero sumakay pa rin kami para diretso na pauwi, marami din nagsakayan. Di namin alam may pila din pala sa Sta. Cruz na sobrang haba. Hayun, nagalit yung mga tao, kesyo nakapila daw sila ng matagal dun tapos dadating yung bus na puno na. May umakyat na mama ng naka blue shirt, sabi niya

" Yung mga galing sa lawton bumaba na ho kayo, kasi may pila dito. Pinagalitan na yung driver and kundoktor "namin", masusuportahan niyo ba sila sa trabaho nila pag natanggal sila? Bumaba na ho kayo."

Nakita ko na nagcontract yung mga facial muscles ni Kendrick , mukhang aawayin niya yung lalake. sabi niya,

"Pare, may pilay yung kasama ko e,"

Pinabababa pa rin kami ng mama, natakot ako baka magkagulo pa kaya sabi ko bumaba na lang kami, pati yung iba bumaba na rin. kasi kung ako din yung nakapila dun, magagalit din ako e. Naging mahinahon na lang ako, sabi ko kay kendrick para maexercise ko na rin 'tong paa ko, tska magbonding tayo sa walkathon natin pabalik sa lawton. First time ko din kasi na maglakad sa Sta. Cruz bridge kaya medyo natuwa naman ako.

Ito ang di kinaya ng powers ko, nakita namin ni Kendrick yung bus na pinanaggalingan namin na umaandar na paalis. At yung mama na nagpababa sa amin, nagtitinda lang pala ng mani. Anak ng poodle! ang tigas ng mukha magpababa, maka driver "namin" pa siya. Hay naku, natawa na lang ako e, sabi ko may araw ka din sakin makakabawi din ako sa'yo tanda ko pa naman yung mukha nung kumag na yun.

Nakauwi din naman kami after makipagunahan sa mga tao sa isa pang bus sa may Lawton. At ginamitan na namin ni Kendrick ng technique namin, siya makikipagsiksikan para mabilis tapos susunod na lang ako para nakasave na siya ng upuan. hay sakit sa bangs!

Thank God nakauwi naman kami ng safe. Kanina iinom ako ng tubig kasi sobrang uhaw ko pagdating ko. May nabasa ako sa water container sa loob ng ref na nagpagaan ng loob ko after this long day with a lot of hustles and bustles. Nakaprint dun sa plastic container,

"The Lord is my shepherd, I have all what I need."

Amen. Thank you God for this day.



No comments: