Whew! its 2008 indeed... di mo talaga namamalayan ang pagdaan ng panahon no? syempre we're busy doing things that makes us busy. Well, another whole year to face ahead of me and another year had passed with full of mistakes but I'm proud to say, I have no regrets.
First time experience ko ang magluto ng pagsasaluhan namin for New Year's eve.. ang saya pala na nakakapagod tapos feel mo after you finished everything ayaw mo tikman yung niluto mo.. bakit kaya? may theory ba para dun? haay.. and the thing is nadagdagan nanaman ako ng timbang at lumaki nanaman yung tyan ko. That's what I hate during holidays nawawalan ako ng self control when eating.
Nagyaya mga kapatid ko sa Star City on new year's day, nagdalawang isip ako kasi feel ko jam packed ang tao dun lalo na nung araw na yun. Kinulit ako ng kinulit hanggang paggising ko kaya hindi na ko nakatanggi. We got there at 5pm and...and...and.. I was right! and daming tao! pambihira, 'di mahulugang karayom kumbaga. When I saw it gusto ko na talagang magbackout, nanghina ang tuhod ko, but no, hindi pwede ang layo kasi ng nilakbay namin to get there tapos hindi kami tutuloy? ano yun suicide? What I did was, si Janine ang pinapila ko and we waited her sa labas- siya kasi ang atat magpunta dun - Pagpasok namin sa loob hindi pa rin nagbago ang eksena, kung gaano kadami yung tao sa labas, triple pa ang nasa loob! kamusta naman yun? To think that we availed ride-all-you-can ticket? pambihira... result??? PILA GALORE. yeah sa bawat ride na sasakyan namin pipila muna kami for like 20-30 minutes para makasakay sa isang 2 minute-ride. Kaloka talaga yun. Mama ko naman lang magawa kahit masakit na ang paa't likod sige pa rin! hehe...
Pero we enjoyed kahit papano, hindi na lang namin iniisip ang hustle but sa bawat pila ay bonding naman hehe... nakauwi kami mga 1 am, ubos lakas ang labanan at ang mga kapatid kong atat, hayun bagsak! hehe... ilove them all!
This picture taken at the balloon wheel ride, yeah the ferris wheel thing . Kala mo lang natutuwa ako jan, but the truth is haggard na talaga ako, sa kakapila! Ang point ko lang ay hindi ipakita ang mukha ko but the countless people sa baba.
Me and my sister at the Magic Carpet ride. I'm beginning to enjoy the night as my stomach went uspide down after each crazy ride! Susulitin ko na hehe...
I hope this year would not be only a new year but a changed year for me. Maiwan na sana ang mga kaengotan at kamalasan ko. I'm turnng 20teen this thursday... haaay... may all the faerie godmother exists come at my room the night before to stop the clock from ticking! yoko pang mawala sa teen stage! may ganun?!
No comments:
Post a Comment