Wednesday, January 9, 2008

Age: 20teen

In 20 minutes, iiwan ko na ang mundo ng pagiging teenager. I'm turning twenty and I'm trying to tell myself that I'm not getting older 'coz I'm only twenteen. haha... fool.. Sa loob ng dalawampung taon, maraming nangyari sa buhay ko, marami akong nakilalang tao, maraming achievements at marami ding kabiguan, maraming pagkakamali. Pero sa mga karanasan na yun masasabi kong marami akong mga bagay-bagay na natutunan. Mga bagay-bagay na magagamit ko sa pagpasok ko sa bagong yugto ng buhay ko. Mga weapons ko sila para maiwasang magkamali ulit.

Matanda na nga ko. Pakiramdam ko kwarent
a na nga ko e, di ko alam kung bakit. Sobrang mature ng pag-iisip ko na kahit ako mismo hindi ko na maintindihan. Siguro sa mga nangyari sakin sa loob ng dalawampung taon; pinatibay, pinatigas at pinahinog ng mabuti para sa matagal ko ng hinihintay na hinaharap.

Halo-halo ang nararamdaman ko-- masaya, dahil binigyan nanaman ako ni BOSSING ng isa pang taon para mabuhay at maglakbay sa
mga nilikha niya; malungkot, aside from the fact na matanda na ko, I feel empty kasi hindi ko kasama mga magulang ko, ang mga dahilan kung bakit ako nandito. Buti na lang nandito ang isa kong kapatid, ang mahal ko at mga kaibigan ko, they're my driving force. Somehow I survived, until now.

Pansamantala kong puputulin ang aking pagdadrama kasi inaantok na ko.. may pasok pa ko bukas.. haaay....

Thank you Lord. Amen.

No comments: