Tuesday, January 15, 2008

Come What May


Madaming nagtatanong sakin di ka ba nagsasawa jan sa boyfriend mo? 5 years na rin kayo this year.. Anong secret niyo? Paano niyo yan nasasabay sa lahat ng activities niyo sa buhay? and so on... Ngayong araw may taong nagtanong nanaman sakin.


Well, isa lang din ang sagot ko sa kanilang lahat, isang malupit na "Hindi ko alam". OO, hindi ko alam kung paano nangyayari yun, sa araw-araw na ginawa ng Dyos kahit kailan sa buhay ko di ko magawang maramdaman o maisip man lang na magsawa, ako ah--ewan ko lang siya hehe... I really can't tell why. Yung tipong kahit everyday na kaming magkasama, at the end of each day mamimiss mo pa rin siya. Corny? yes but its definitely the truth.

Siguro one factor na rin diyan yung pinagsamahan namin, yung foundation na binuo namin when we're starting. We started as good friends, we don't take things too seriously--puppy love nga daw eh. We just let it happen smoothly, hindi pinipilit, kumbaga pinapahinog muna. We enjoy the company of each other, the things we like doing together like cooking, watching movies, mag-stroll ng pagkalayo-layo. Kakain sa fastfood pag may pera,pag wala sa karindirya o kaya sa kwek-kwekan, nakaka ilan kaming order ng extra rice! pang halimaw talaga ng labanan sa chibugan, grabe.. yung tipong susuka ka na sa kabusugan. Yung ganun, walang pressure. Walang hustle. Naalala ko pa nga when we're on our first year as a couple, hindi lang kami magkita ng 2 days, it felt like it was 2 years. Pambihira, wala pa kong teyoryang nababasa tungkol dun.

Sa labas ng simbahan dati yung lagi naming pinupuntahan pag wala na kaming magalaan. Wala lang, uupo lang dun titignan yung mga taong dumadaan, di namin namamalayan kung saan sa napupunta mga kwentuhan namin. That is our therapy, after a long day we just talk with each other about everything under the sun and we're ok.

And now, that we have come this far-well wala pa nga sa kalahati ng buhay namin- we're still the same. The sweetness, the childishness, lahat na... walang nagbago. Ang nagbago lang siguro mas kilala na namin ang isa't isa, mga limitations namin, mga sumpong, mga bagay na nakapagpapasaya at nakapagpapaiyak sa isa't isa. Ayoko man lumabas ng hopeless romantic and cheesy,,,, sorry but that's me.

If anyone will dare to ask me, kung gusto ko na siya makasama habang buhay? Siguro for everyone its too early to tell diba? pero ako... I can say that I have found Mr. Right guy for me. My best bud. The reason behind my smiles, my tantrums, my sakit ng ulo.. hehe... The reason why I know the meaning of love and sacrifice. Sana nga, dito nanaman papasok yung never ending debate about destiny, do we have our destiny prepared by God? or we make our own destiny? hay naku.. basta ako, I will follow what my heart and mind tell me, kung saan ako masaya kung saan ako comfortable. I won't do stuff that can ruin what I worked hard for. I know I will never go wrong.

I am prepared what future might bring, As long as I have my faith, my family and my fendrick este kendrick pala.. hehe...

We met when I was 15 and now I'm 20 we're still together, holding hands.. come what may.

1 comment:

berlai said...

wow grabe 5years? .tagal!