Nagising ako kanina ng alas diyes ng umaga and was preparing myself kasi I'll leave 2 hours before ng time ko sa photography class. Narinig ko yung tito ko and lola ko na parang may pinaguusapan; bumaba ako sa sala namin to find out what was the commotion about. I found out according to the news that Sen. Antonio Trillanes and Brigadier General Lim together with the Magdalo soldiers, left the RTC court at naglakad all the way to makati avenue until they reached Manila Peninsula Hotel at dun na nagstay for their press conference. Nagulat ako. first thought that came into my mind was "Parang napanood ko na 'to ah!" pero I admit na tension ako when I saw soldiers marching with high caliber weapons. I had to curtail my viewing kasi malelate na ko. Buti na lang yung nasakyan kong bus naka-on din yung t.v na para bang choicless ung mga passengers kasi nasakop na ng news yung mga daily shows on tv.
“Trillanes, 25 other charged Magdalo comrades and Brig. Gen. Danilo Lim of the Army’s Special Action Forces, walked out of their coup d’etat hearing at the Makati Regional Trial Court’s Branch 148 at the 14th floor at around 10:42 a.m. The group marched through J.P. Rizal Avenue and then turned to Makati Avenue.”
Read Full Article
I saw Trillanes saying something like, panahon na para bumaba yung Arroyo government etc...habang naglalakad sila. I saw our other soldiers silently marching, alerto sa paligid at madaling sumusunod sa mga utos ng nakakataas sa kanila.
you know what? di ko alam kung bakit may soft spot sakin ang mga sundalo--regardless sa kung anong pinaglalaban nila-- I'm speaking of soldiers as a whole. Kapag nakikita ko sila collectively na tahimik na sumusunod sa orders, running while carrying their guns, tumatayo mga balahibo ko... maybe because of their bravery or passion; I honestly do not know. Tinataya nila yung buhay nila to something na walang kasiguraduhan and these are all because of their vows to our government that as their mission, they will protect the country and its people.
Honestly, naawa ako sa kanila [magdalo soldiers] nararamdaman ko yung frustrations nila na bakit hindi sila sinosoportahan ng taong bayan, na bakit hindi sila sinasamahan sa pagaaklas na ginagawa nila for the second time. Tuluyan akong naluha nung nakita ko yung isang sundalo na hinihikayat niya yung mga tao na madadaanan niya na sumama sa kanila pero parang hindi siya naririnig. Pero tuloy pa rin siya. Mababaw talaga ang luha ko. Nakakahiya hindi ko namalayan na nakatingin pala sakin yung katabi ko, baka iniisip niya na kamag-anak ko yun or what. Kinakabahan ako that time na baka may dumanak na naman na dugo, and to think na pare pareho silang Pilipino. Nakakalungkot. Ewan ko ba kung bakit apektadong apektado ako nung nangyari, inatake nanaman ako ng patriotism ekek ko. Patuloy pa rin ako sa panonood ng balita, as in super attentive. Di ko napapansin na super traffic na din sa Bacoor hanggang coastal. Napayuko ako nung sinabi nung ininterview na magdalo soldier na hindi sila aalis, dun na daw sila mamamatay.
Malapit na ako sa school, tinignan ko yung oras sa phone ko nakita ko 30 minutes na pala akong late sa photography class ko, may quiz pa naman kami. Adding to the situation ang masungit na panahon at mabigat na dala kong SLR camera. With 2 inches heels, tinakbo ko ang kahabaan ng underpass sa lawton hanggang intramuros. As in haggard kung haggard. Pag dating ko nag-qquiz na sila pero my prof understood na malayo ang bahay ko kaya oks lang sa kanya, without knowing na one reason kung bakit ako nalate is because nanood ako ng news trail.
Uwian na namin, hindi pa rin ako tinantanan ng pangyayari kasi yung mga tv sa Letran grounds news yung palabas which is not ordinary na yung mga estudyante naging interesado sa pulitika. Kaya heto nanaman ako nanood nanaman ako and worse lalo akong naging OA kasi nakita ko na the government forces were starting to take the action. Inisip ko "Ano kayang gagawin ng magdalo group?" As in yung ilang estudyante nakatitig na sa screen kung ano na yung susunod na mangyayari. Nagloko pa nga yung kaibigan ko, sabi niya "Kaya lang nagkaganyan yan kasi naubusan ng ticket sa concert ni Akon!" hahahaha... silly... tapos naalala ko yung oakwood mutiny 4 years ago happened the day before ng concert ng F4 sa Philippines hehe... nice timing... Sen Trillanes.. hehe...
after the teargas explotion, the destroyed entrance of the hotel, the countless commotions, according to the news [past 6pm] Trillanes and the group decided to surrender. Iba-ibang reaction yung nakita ko sa mga nanonood, merong natuwa kasi walang gulo walang namatay, meron ding nadismaya kasi hindi sila nagsucceed, meron namang patay malisya, meron din namang natahimik. At ako yun. natahimik.nag-isip.pero halo-halo yung naiisip ko. ginawa ko kumain na lang ako ng mami para naman marefresh yung utak ko.
Hats-off to the media men! you did a great job! worth it lahat ng pinaghirapan niyo. You did inform the Filipino public very well to think that your lives were on the line. I'm proud of you guys. That is a responsible journalism. yeah it is.
Sorry na lang dun sa mamang matabang kalbo na nahuli at naitali kasama ng mga naaresto. Kasi ba naman ininterview siya nung reporter, akala taga media siya. Tinanong siya kung bakit siya hinuli, anong ginagwa niya sa loob ng hotel. Sabi niya, "Nakikiusyoso lang ako e." kabado pa niyang sinabi. wahahahahahaha!!!!!!!!
Di talaga mawawala ang komedyante sa Pilipinas.