GMA: yup!
Pilitin ko man na isipin na wala na akong pake elam, na sawang sawa na ko, na wala naman akong magawa sa kalokohan ng mga UGOK na ito sa gobyerno hindi ko maiwasan mapapikit at magkuyom ng palad.
Kung kailan ang bayan na kanilang dapat pinagsisilbihan, ang bayan na kanilang pinoprotektahan at pinangangalagaan ay naggugutom at nagsusumigaw ng tulong at pagmamakaawa, ang mga UGOK na ito ay nagpapakabusog (o nabusog nga ba sila sa kakarampot na ubod ng mahal na mga pagkaing ito) sa New York. Manhid! isang milyon? para sa isang kainan? o higit pa dahil alam nating lahat na hindi lang naman ito ang unang pagkakataong kumain sila sa mamahaling kainan.
Kamakailan ay may nabalita na isang matandang lalake ang namatay di umano sa gutom sa isang kalye. Wala na atang mas hihirap pa sa mamatay ka sa gutom! Gutom, na kayang kayang maremedyohan, kayang mapagtulong-tulungan, kayang maiwasan. pero ano? asan kayo? asan ang ma taong pinagkatiwalaan namin?
Sagad kayo sa luho! ang yayabang ninyo! akala niyo kung sino kayong makaasta pag nakakatungtong kayo sa ibang bansa! SOCIAL CLIMBER! nakakaya niyong isubo ang mga mamahaling pagkain na yun at alam niyo na sa pagbalik niyo maraming taong nanghihina at lumuluha dahil walang maihain sa mga lamesa nila? Ang kapal niyo! di ko masukat sa mga kamay ko ang kakapalan ng pagmumukha niyo.
Hindi ko kailangang maging matalino o edukado para intindihin ang mga kabulastugan niyo. walang maayos na eksplanasyon ang makapapatay ng galit ng taong bayan.
Salamat Ginoong Conrado de Quiros, salamat sa isang opinion na nakapagsasalita ng mga saloobin ng lahat ng Pilipino. Basahin niyo at unawain at damdamin ang isang napakagandang artikulong ito ni de Quiros ----> May araw din kayo.
Salamat Glock 9 at Zelle. Tamang tama ang kanta niyong "Upuan" para sa sitwasyon nating mga Pilipino ngayon.
Upuan By Gloc9 feat. Zelle Lyics
Kayo po na nakaupo
Subukan n’yo namang tumayo
At baka matanaw
At baka matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko..
Ganito lamang kasi yan eh..
Tao po
Nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At nakapilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang nakabarong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato at kutsara na hindi kilala ang tutung
At ang kanin ay sing puti ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
ang sarap siguro manirahan sa bahay na ganyan
ang sabi pa nila ay dito mo raw matatagpuan
ang taong nagmamay ari ng isang Upuan
Na pag may pagkakataon ay pinagaagawan
Kaya naman
Hindi Nya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang sya ay aking sisigawan
Kayo po na nakaupo
Subukan n’yo naman tumayo
At baka matanaw
At baka matanaw ninyo ang tunay na kalgayan ko
Mawalang galang na po
Sa taong nakaupo
Alam n’yo bang pangtakal ng bigas namin ay ‘di puno
Ang ding-ding ng aming bahay ay pinagtagpi tagping yero
Sa gabi’y sa sobrang init ay tumotunaw ng yelo
Hindi kayang bilihin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takore na uling-uling
Gamit ang panggatong na inanod sa estero
Na nagsisilbing kusina sa umaga ay aking banyo
Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero
Na nagagamit lamang kapag ang aking ama ay sumweldo pero
Pero kulang na kulang pa rin
Ulam na tuyo’t asin
Ang sengkwenta pesos sa maghapon ay pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang o mataas lang ang Bakod o nagbubulagbulagan lamang po kayo ay dahil sa dami ng pera nyo walang doctor na makakapagpalinaw ng mata nyo
kaya.
[ Upuan By Gloc9 feat. Zelle Lyics ]
Wag kang masyadong halata
Bato bato sa langit
Ang matamaan ay wag magalit
Bato bato sa langit
Ang matmaan ay wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata….
No comments:
Post a Comment