Friday, December 28, 2007

The Reason

It feels like forever after my last blog entry, I have so many school stuff to do and some problems got in the way. I celebrated Christmas at my Mom's house in Antipolo, and there's no way to check the cyber world; well, there were computer shops but you just couldn't pour your thoughts and feelings when the place was irritating and there were some teenagers watching at your back.

All in all, masaya naman ang pasko ko kasi I'm with my family, nagsimba lang kami then simpleng salo-salo kasi la naman kaming pera. But Christmas is more than food and gifts isn't it? yes, I remember what the parish priest said during the Christmas eve mass:
"JESUS IS THE REASON FOR THE CELEBRATION" yeah, I guess he's right.

Yes, its more than gifts right? but I just can't get over with my Dad's Christmas gift for me. Sobrang tagal ko na siyang inaawitan for this, and voila! I have it. A Dell Laptop came all the way from the Kingdom of Bin Laden este Saudi Arabia pala. Thank you Dad! mmwwaahh!




Friday, December 14, 2007

Katang

Hindi pa rin ako nilulubayan ng katangahan ko. Kahapon papunta na ko sa bahay ng friend ko para makipagkwentuhan, nadulas ako sa last step ng hagdan namin kasi naapakan ko yung tsinelas na nakaharang dun. What happened was natapilok ang paa ko. As in dumausdos ako pababa at naramdaman ko ang pag tabingi ng paa ko. My golly! sa bigat kong 'to, imagine mo na lang yung nangyari sa paa ko. Napaupo ako sa sakit, gumapang sa ugat-ugat ko hanggang sa utak ko. Pare, tumutusok talaga yung sakit. Parang napilipit yung mga ugat ko sa paa. Di ko mapigilang umiyak, na natatawa kasi mukha akong sira nasa ilalim pala ako ng lamesa namin. As in sumisigaw ako sa sakit la naman tao sa baba kaya lang nakarinig sakin. Yoko na maramdaman yung ganung feeling ever.

Ang sakit tlga! What I did was, nilagyan ko agad siya ng ice then pinagulong gulong ko sa bote ng suka. Sobrang prone ako sa tapilok, I remember during my high school days nung varsity pa ko ng volleyball mas malala pa yung nangyayari sakin kasi nahuhulog ako sa matataas ng lugar tapos yung paa ko yung napupuruhan. Madali kasi akong ma-out of balance kasi maliit yung paa ko sobra. Parang di niya kaya yung katawan ko. Hep! I'm not fat.

Hayun namamaga yung paa ko hanggang ngayon but I still managed to go to school today kasi kailangan kong pumasok, nakabenda na lang yung ankle ko and nagslippers na ako. Dapat kasi may laro kami ng volleyball today sa school, pero hindi natuloy sa hindi ko malamang kadahilanan. Buti na lang kasi sa paa ko, di ako makakapaglaro ng ayos, mamamatay lang ako sa inggit. Nagcheer ng lang kami sa tropa kong mga lalake na nagbbasketball, nanalo naman sila kahit papano kahit na meron mga alien na nagbabakaw.

Mga 5:30 nagkita na kami ng Kendrick sa Lawton, sabay kasi kami pauwi. Nakita namin na jam packed nanaman yung Park 'n Ride, yun yung terminal ng bus. As in yung mga tao, spiral na yung pila nila, but we did it in a shortcut way sa kabilang kalsada may bus na nagbababa ng pasahero, byaheng dasma rin yun but yung terminal nila sa Sta. Cruz pa pero sumakay pa rin kami para diretso na pauwi, marami din nagsakayan. Di namin alam may pila din pala sa Sta. Cruz na sobrang haba. Hayun, nagalit yung mga tao, kesyo nakapila daw sila ng matagal dun tapos dadating yung bus na puno na. May umakyat na mama ng naka blue shirt, sabi niya

" Yung mga galing sa lawton bumaba na ho kayo, kasi may pila dito. Pinagalitan na yung driver and kundoktor "namin", masusuportahan niyo ba sila sa trabaho nila pag natanggal sila? Bumaba na ho kayo."

Nakita ko na nagcontract yung mga facial muscles ni Kendrick , mukhang aawayin niya yung lalake. sabi niya,

"Pare, may pilay yung kasama ko e,"

Pinabababa pa rin kami ng mama, natakot ako baka magkagulo pa kaya sabi ko bumaba na lang kami, pati yung iba bumaba na rin. kasi kung ako din yung nakapila dun, magagalit din ako e. Naging mahinahon na lang ako, sabi ko kay kendrick para maexercise ko na rin 'tong paa ko, tska magbonding tayo sa walkathon natin pabalik sa lawton. First time ko din kasi na maglakad sa Sta. Cruz bridge kaya medyo natuwa naman ako.

Ito ang di kinaya ng powers ko, nakita namin ni Kendrick yung bus na pinanaggalingan namin na umaandar na paalis. At yung mama na nagpababa sa amin, nagtitinda lang pala ng mani. Anak ng poodle! ang tigas ng mukha magpababa, maka driver "namin" pa siya. Hay naku, natawa na lang ako e, sabi ko may araw ka din sakin makakabawi din ako sa'yo tanda ko pa naman yung mukha nung kumag na yun.

Nakauwi din naman kami after makipagunahan sa mga tao sa isa pang bus sa may Lawton. At ginamitan na namin ni Kendrick ng technique namin, siya makikipagsiksikan para mabilis tapos susunod na lang ako para nakasave na siya ng upuan. hay sakit sa bangs!

Thank God nakauwi naman kami ng safe. Kanina iinom ako ng tubig kasi sobrang uhaw ko pagdating ko. May nabasa ako sa water container sa loob ng ref na nagpagaan ng loob ko after this long day with a lot of hustles and bustles. Nakaprint dun sa plastic container,

"The Lord is my shepherd, I have all what I need."

Amen. Thank you God for this day.



Wednesday, December 12, 2007

Off-Guarded

Iba yung feeling ko today. Parang nawala sa ayos yung dating maayos na plano ko. Yung thesis proposal namin was changed kasi too broad and too weak. damn it! So we have to change to the ever boring, cliche, too common, content analysis. hell yeah. badtrip! plus the fact nalula na ko sa investigatory report ko. Bakit ba ganito? from a well planned start, all of a sudden its out of track.

My mom confessed to me that she's feeling something bad. I think she's sick. My God, I really don't know what to do, I can't be with her everytime kasi pumapasok ako ng school plus malayo pa yung place namin sa kanya. Her only hope is us. Minsan napapatigil na lang ako, naiiyak. Bakit ba ganito. One time your happy, then something will come up that'll shake you.

I have already my pictures developed. Well, its my first time to shoot so ano pa bang aasahan ko? I think out of 36 shots, I have only 3 shots na medyo ok. (medyo lang) Good thing, mamimili lang kami ng isang picture na ipapasa with the contact print. Oh my... I really have to practice.




Monday, December 10, 2007

So Much for Money

Someone told me today that drinking makes me "bobo". No, not directly to me but he said it anyway. Well, sorry but I think you're wrong. Drinking, most especially with your friends, is one of the best therapy to someone who wants to remain sane and to forget that life sucks. The very thing that can give you a good cry when you want to. I think you should have known better.

I'm sorry if I "fucked up" your plans and your holiday [again]. I honestly don't intend this to happen. I thought I'm responsible enough in every single way but I was wrong; I'm not, for others. Money is the last thing I want to deal with. I know it cannot speak and move, but it causes so much than any human being can do. It destroyed my family. Even if I got mad, I can't get rid of that thing. I need it, I badly need it.

They say that Love makes the world go 'round, yes I believe in love but I think it should be Money makes the world go 'round isn't it? You can live without love, but you can't without money. I can't imagine myself saying this, you see I'm in love and I really can feel that love exists, but today the anger I feel for money comes rushing back again. I hate it. It made someone, whom I respect the most, the last person I want to disappoint, say to me that I'm "bobo".

I remember I did a poem years ago and I want him to read this, but I don't how and I don't know if he'll appreciate it.


When I was a kid
you promised to teach me Math
with the talking calculator,
I was excited
then you left.
I cried.

When you and mom got separated
you promised that
it will be the three of us,
I was encouraged
then you get married.
I cried.

When you talked to me about your marriage
you promised that nothing will change,
I did expect.
then I realized that everything
will never be the same again since you came back.
I cried.

Saturday, December 8, 2007

Fiesta at si Zaido

December 8, 2007 Feast of Immaculate Conception and our 56th monthsary. Nakakatuwa naman na buhay na buhay pa rin yung tradition ng fiesta lalo na sa DasmariƱas, Cavite. Hindi pa rin mawawala yung mga majorettes at mga musikerong nagmamarcha paikot ng bayan; kumpleto sa banderitas at iba pang palamuti; meron din iba't-ibang pagtatanghal na ginaganap sa plaza katabi ng simbahan at mga nagtitinda ng samu't saring kakanin sa daan. December 1 pa lang abala na ang mga tao sa bayan sa paghahanda, meron na ding mga nagpeperform sa entablado kaya naman traffic na sa bayan pag dating ng hapon. Applause to DasmariƱas local government [kahit na halos lahat ng decorations na makikita mo may letter "J", our mayor's first name initial]

Magandang pagkakataon sakin ito para makakuha ng mga litrato na ipapasa ko sa photography class ko. Gumising ako ng maaga para makapag photo shoot sa bayan ng 8am at magkikita kami ng paula para samahan niya ko at magbigay ng moral support. Nalimutan ko sinara na pala ang daan papasok ng bayan kaya simula hiway naglakad ako papasok. Nakakapagod yun infairness, its a 10 minute-walkathon. 8:30 na dumating si Paula [I don't want to mention that she was super late :-)]and we started to shoot infront of the church, sa mga tao sa paligid at mga bagay na hindi ordinaryong makikita sa daan. Habang hinihintay ko na dumaan yung mga banda, naghanap-hanap muna ko ng subjects. I am really thankful kay Paula kasi she was so very patient na pinagbuhat ko pa siya ng tripod at siya yung nakikiusap sa mga subjects kung pwede sila kuhanan ng litrato. Thanks dragon sobra.

At 10am I had already taken 20 photos and tinira ko yung next 16 shots para sa gabi. Biglang sumama yung pakiramdam ko parang lalagnatin ako, nahaggard ata ako sa ginawa ko. hay grabe, adventure tlga. 2 days before ng fiesta sabi ni Laurence, makikipagkita siya samin sa bayan ng 11am. So we waited her sa labas ng greenwhich. Ang tagal na namin naghihintay wal
a pa ring Laurence na nagpapakita. To think na nasagap na namin lahat ng alikabok sa kalsada, so we decided to call her up, since wala naman siyang cellphone. Yung kasambahay nila yung nakasagot at tinawag si Laurence. Ang lola mo, mukhang kakagising pa lang. At naaning at siya dahil nalimutan niya na magkikita pala kami. Hay nku si Laurence tlga kahit kelan.

Nagpunta na lang kami sa place nila Laurenc
e para makakain ng lunch at makapagpahinga na rin. Medyo sumasama na tlga yung pakiramdam ko nun e. Nakaidlip ako. Pag-gising ko, full of energy nanaman ko. Bumalik kami sa bayan to shoot again. Nakakatuwa kasi ang daming tao sa bayan, nagkita-kita kami sa kalye ng mga highschool friends namin at iba pang mga familiar faces. Haay ang saya.

Ang cute pa naming tatlo kasi yung mga shirt na suot
namin partner sa color ng finger nails namin. My red nails courtesy of Laurence; Paula had the white one and Laurence nails were green. yeah as in Merry Christmas!



At 7pm nasa Rinies nanaman kami,[kasi nga fiest diba?] Si Paula, Laurence and me pa lang yung nandun. Until dumating si Maki, maybibigay kasi si Laurence sa kanya pero umalis din agas kasi war [nanaman] sila. Tatlo nanaman kaming nainom, dumating na si John boyfriend ni Paula. Hayun, medyo nakarami talaga kami, todo kwentuhan. At grabe sobrang himala kasi hindi man lang umiyak si Laurence, tlgang behave s
iya infairness. And its something. Nahilo talaga ako, hehe.. di ko namamalayan sinuot ko pala yung helmet ni John. Yes! naka helmet ako habang nasa loob ng Rinies at habang nag-iinom. Hay ewan ko ba, pero sa naaalala ko, ang sarap ng feeling ng naka helmet that time parang may support yung ulo ko na bumibigat hehe.. Oo, para daw akong Zaido.

Zaido Red





Oo na, nakakatawa na.. hay naku. 9pm na dumating si Kendrick galing kasi siya sa friends niya, namiesta. Nice kahit monthsary namin late nanaman siya as always.. hay... pero nung nakita niya ko na naka helmet natawa naman siya. Sabi niya "Hal, para kang sira!" hehe... after an hour sumunod naman yung friends ni Kendrick, sila Aaron, Rommel and Jerome.

Ang saya grabe... We all went home tipsy but with a smile on our faces. "Sana Maulit Muli."

HAPPY FIESTA.

---> To follow na yung pictures that I have taken. Papadevelope pa kasi I'm using SLR camera e.Basta wait niyo na lang.


***

Natupad na yung isa sa mga pinapangarap ko. Na experience ko na din ang mapaos! yes as in walang boses. Di ko lang kung bakit nangyari eh, basta all of a sudden naging ganito na boses ko. Dati akala ko masarap pag napapaos, naiinggit pa nga ko sa mga friends ko na paos minsan hehe.. Pero ngayong naramdaman ko na, ang hirap pala. Ang hirap magsalita at kumanta. hehe.. Sana malayo pa yung reporting ko sa mga class ko. Kung hindi sibak! hehe...

Mic test.. mic test...

Lalalalala...Lalalalala..Lalalalala..Lalalalalala... wwaaaahhhh ang hirap!

Friday, December 7, 2007

HAVI BURDAY DRAGON!

My girls and I met yesterday to celebrate paula's "B" day at Rinies place and we had some sort of triple date with our guys. Paula with her boyfriend John, me with my lubbiedoodles Kendrick and Laurence with Maki umm.. teka.. too complicated e. hehe.. Basta ang alam ko we had a great time kahit na maaga pa mga pasok namin kinabukasan.



The day started at exactly 8:00 in the morning. Wala kasing kaplano plano eh, so I texted Paula that I will go to her place whether she like it or not (sapilitan?) no just kidding, I want to see her kasi I want to give my gift personally. So she replied and said, "Ok cge. Wat tym ka ppnta gurl? Now na! go go txt ka pg nsa tricycle ka na ah!" Yes, at nagulantang ako kakagising ko lang kasi at nahaggard na ko sa pagmamadali. Medyo masama pa yung panahon nun, umaambon pa when I left my house. Then dumiretso na ko sa kanila. Yun, pagdating ko hndi pa naliligo ang lukaret at nakipagkulitan pa. We watched final destination, di ko pa kasi napapanood yun kahit na napanood na ng buong family niya, (bday ko?)


Kumain kami ng tanghalian (sarap ng pansit ng mama ni Paula) Habang pauli-ulit namin pinag-uusapan ni Paula kung saan kaya namin lupalop makikita si Laurence. Wala kasi siyang phone kinuha ng "brother" niya so yun. Nakipag kita kami ni Paula kay John sa Robinson's imus at 3pm and dumiretso na kami sa church. Nakita namin si Maki sa bayan, galing siyang school and tinanong namin kung saan si Laurence, we got negative response. War ata sila. After that uwi kami sa bahay nila Paula kasi her Dad wants to talk to her boyfriend for the first time (interogation?). So yun, Di pa rin namin alam kung saan matatagpuan si joy. At 7pm we decided to go to Rinies place baka dun namin makikita sa Laurence so we tried our luck. Good thing!, nandun nga siya, at sinalubong niya kami ng napakasarap sa tengang hagulgol. Yeah umiiyak, medyo nakainom na ata siya. (Reason? For us only ;-)) Si Kendrick sumunod na lang siya galing school. So Paula ang I have already our guys, kaya nalungkot si Lawrence, She called Maki and asked to come up, nakipag bati (parang bata) hehe... so yun at around 8pm kumpleto na kaming six sa table and the crazy ride begun...



Paula and John has been couple for about nine months now. Di pa rin ako sanay na nakikitang ganun sa Paula kasi we grew up together na mga dragon. Well, ang mga dragon pala naiinlove din. Yeah we are. They're very sweet with each other na there were times na may sarili silang mundo nun hehe... Well, as a friend I find John very caring and quiet. Siguro kasi bago pa lang namin siya nakachikahan kaya ganun. I can see in their eyes and actions their overflowing love for each other. I hope they will love each other forever. Thanks Paula.




Laurence and Maki. Ang lover na hindi lover. gets? ang gulo no? kahit ako naguguluhan eh. They are both my close friends since high school. I witnessed their evolution, from a "musmos", to a youngster, hanggang sa magdalaga at magbinata na. Dati I call them Laurence and Mark, but now they want to be called as LJ ang Maki. But I can't di ako sanay eh, para sakin ganun pa rin sila. I never expected na maiinvolve sila with each other romantically. Ok, so naging sila kaso in some "private" reason nagbreak sila. However, until now may communication pa sila and the are always together. Parang ganun pa rin kaso lang di na sila. Magulo pa rin? hay naku. Basta ang masasabi ko lang, they both love each other pinipigilan lang nila. Haay buhay...





Ayun oh. Yeah its me at your service and my romeo, my knight in shining armor, my prince charming, my suka for chicharon, a key for my padlock, my pakaw for my earings, my toothpaste for my toothbrush, the keypad of my cellphone, my bestfriend, my brother, my partner... my life, Kendrick. Need I say more? hehe....






Tuesday, December 4, 2007

Thesis+Reports+Others= 5 minutong Pasko

Ang bilis ng panahon! December na pala, ang lamig na ng simoy ng hangin. Parang kailan lang nag-iisip pa ako ng gagawin sa summer vacation and ang mga preparations na ginagawa ko at the start of the school year. Ngayon, malapit nanaman magtapos ang taon. Haay... Hindi ako sanay kasi pag sapit ng hapon nagiiba na yung temperatura sa labas. Lahat ng tao nakasuot na ng kanya-kanyang style ng jacket. At hindi mo na kakayaning magsando at magshort kung magsstay ka ng matagal sa labas [pero nasa Pilipinas ka pa rin don't worry]. Iba kasi yung lamig ngayon kaysa sa mga nagdaang buwan na sunod-sunod ang bagyo. Kaya di mo mapipigilang masabi, "Hay, Pasko na!"



Minsan sa sobrang abala mo, sa dami ng ginagawa at iniisp mo, di mo nga namamalayan na bukas pasko na, or tapos na pala yung pasko. Kaso siguro lalong bibilis yung takbo ng panahon para sa akin kasi ngayong 3rd year college ang tinaguriang "Hell Year." As in yung tipong di ka magkakandaugaga sa mga gagawin mo like kung ano yung uunahin mo among these important things, which will serve as your requirements before you step on to 4th year.

First, as one of the news reporter of The LANCE [Letran's official newspaper] I have to submit news for our monthly issue. Three articles is the minimum, hay... Kaya 'to ng powers ko. Balita, balita, balita. I think I should have a radar with me para hindi na ko mahirapan sumagap ng balita.

Second, Thesis Proposal na namin ngayon. Yes, my dear. Thesis na! grabe. At hindi yun basta basta piraso ng papel na katulad sa high school na pwede kang mangopya or pwede pong i-copy paste without thinking about plagiarism. Itong papel lang naman ang magiging basehan mo kung makakagraduate ka or you'll stay for another months sa school.


Ang naisip naming topic is about Journalists Protection. Wala pa man nakikita ko ng madugo talaga 'to. Yung prosesong pagdadaanan mo hindi basta basta. Talk to the people who already completed their thesis and graduated, and to those who unfortunately experienced rejections. Please pray for me because this issue is very close to my heart. See I am a future journalist [hopefully] and this stuff is a great help for me and to all aspirants like me. Kakayanin ko 'to. Sana.



Third. Investigative Report ko. I am currently taking up Investigative Journalism as one of my subjects. Imbestigasyon ang drama nito! haay... Isa pa 'tong hindi basta basta, hindi lang grades ang nakasalalay dito kundi ang social life ko or worse, ang buhay ko. What?! Hindi pa pwedeng sabihin kung ano ang iimbistigahan ko this time kasi hindi pa ko nakakakuha ng leads. Pero if you're studying in Manila, malamang lagi mo 'tong nadadaanan, at hindi mo man lang napapansin ang kahalagahan nito. As a Filipino, sana magawa ko 'to ng maayos. Kaso malalaking tao ang mababangga ko dito and this issue involves millions of pesos. Kaya ko 'to [with my patner]

Natatawa ako sa Dad ko kasi sabi niya ibibili daw niya ko ng baril. Hay, ang mga tatay talaga. Pero in fairness na excite ako ah, ako pa! hehe... Pero on the other hand, kinakabahan ako hehe... Dami pa kong gustong gawin sa buhay. Yoko pang mategi. Hindi naman siguro. God is good. Haay..

***

Oo nga pala nagbati na kami ng boyfriend ko kahapon pa. At ako ang naunang nagtext hehe.. di ako nakatiis e, everyday kasi kami sabay umuwi galing school. Kaya tinext ko siya kung sabay ba kami umuwi ngayon. I thought hindi siya magrereply, baka badtrip pa rin siya dun sa nangyaring ka ekekan. Pero mabilis pa sa alas kwatro nagreply na siya. Kita na lang kami dun sa tagpuan namin.

At heto pa, nagiba ang ihip ng hangin! sabi ba naman ni mokong, sasamahan na daw niya ko sa ospital? hahaha gusto kong matawa eh. Nasa ospital kasi yung younger brother ko dadalawin ko sana. Nabanggit ko na kasi sa kanya yun nung nakaraan pero ang kunat ng sagot kaya di ko expected na sasamahan niya ko. Nag volunteer pa! shoshal! hahaha...

***

Grabe, lumalabo na ata yung mata ko. Kakaiba na yung sakit ng ulo ko and yung vision ko minsan nagiging blurred minsan parang lumilindol.. hala... yoko magsalamin. no no no.. kaya pa 'to. Papapak na ko ng carrots. Wag naman sana... Ang hirap kaya ng malabo ang mata! active pa naman akong tao kaya malaking hindrance sakin ang malabong mata! Help me!

Sunday, December 2, 2007

Pag Mababaw, Malalim din

I don't deserve this [gumagalaw pa yung pilik mata]. My boyfriend and I argued again about some petty reason. Anak ng poodle,[kailangang poodle?] diba nakakaasar pag mababaw yung pinagaawayan niyo? You know what? I believe na ang mabababaw na dahilan pag paulit-ulit, nagiging malalim din. Magulo ba? teka naguluhan din ako eh. Ganito yun.

Sunday. Ang saya kasi magkikita na kami after 3 days, corny but it feels like 3 years. Yun magsisimba nga kami which is regularly namin ginagawa. Nagkita kami sa aming tagpuan and dumiretso na kami sa simbahan, pagdating namin dun ang daming tao as in jam packed. It's because according to Bishop Buhain, today is the first day of advent season. yeah. Pero ayos lang kasi nakapasok naman kami sa loob and surprisingly, yung favorite spot naming upuan kasi harap ng electrifan was vacant. Ok na. everything went on the right track hanggang matapos yung misa.

"teka magwiwithraw lang ako" sabi ko sa kanya, tapos punta na kami sa atm machine like walking distance lang yun from the church. Pag dating namin dun anak ng poodle, [nanaman] off-line! asar.. ang masama pa yung next atm machine medyo 5 times farther than the first one. Heto na..

Sabi niya "diyan ka na lang sa landbank mag withraw."

Sabi ko hindi pwede kasi may bawas pa yun, kaya dun na lang kami pumunta sa atm machine na malayo. Tapos sumimangot siya, oo simangot. E sobrang sensitive pa naman ako sa mga reaction pero pinigil ko ang sarili ko, pinilit ko pa siya.

"Samahan mo ko sa grocery after ah," sabi ko

Nakusot nanaman mukha niya, kesyo may gagawin pa daw siya, ganito ganyan. At kung ano-ano pa.

Dun na napindot ang dragon button ko.

Sabi ko, "Umuwi ka na nga! Ako na lang magwiwithraw, ako na lang din pupunta sa grocery!" Sabay naglakad na ng mabilis. Tapos tinatawanan lang niya ko, tapos sinasabi pa niya,

"Heto nanaman kami."

Naku nainis ako lalo, kasi naman hindi lang 'to yung first time na ginawa everytime na magpapasama ako sa kanya lagi na siyang may dahilan kesyo ganito, ganyan. Ayaw na lang sabihin na ayaw niya. Unlike before, hay nagbabago talaga ang panahon.

Yun na nga, sabi ko umuwi na siya ako na lang e ang kulit sumusunod pa rin sakin, binilisan ko yung lakad ko. sunod pa rin siya. Tapos inaakbayan niya ko, umiiwas ako pero tumatawa pa rin siya. nakakaloko. Parang sa pelikula. literal. Nakawithraw na ko, e may sakayan dun ng jeep
sabi ko,

"Sumakay ka na, diba marami ka pang gagawin? Umuwi ka na!"

Sabi niya, "Hindi na sasamahan na kita sa grocery." nakangiti pa din ewan ko kung natatawa siya sa itsura ko o nangaasar lang talaga. Nagtagal kami dun nakatayo kasi di daw siya uuwi. Tapos niyayakap na niya ko. Pero parang peke, masabi lang [feeling ko yun ok?] pero kinilig ako in fairness kaya lang di ko pinahalata at magaling ako sa ganun.

"Tara na kasi! magsasara na yung grocery gumaganyan ka pa," aba ang halimaw nag demand pa! well napaisip ako kaya naglakad na ko, hindi ko pa rin siya pinapansin. Malapit na kami sa grocery, napindot nanaman yung dragon button ko.

"Umuwi ka na, hindi na ko mag ggrocery. Kung di ka uuwi ako ang uuwi!"

Yun na, ewan ko kung may button din siya ng katulad sakin pero naasar na siya. Kaya nag walk-out na. Uuwi na ata. Ako naman deadma, dirediretso hanggang grocery, parang robot habang namimili. Lumilipad yung isip ko, ewan ko parang may lump sa throat ko na gusto kong maiyak. Pero ayoko nakakahiya.

Nakauwi na ko sa bahay, inayos ko pinamili ko, tapos nag tiklop ng damit. Aba ang halimaw, tumawag!

Pacute pa yung boses, "hello?"

Ako naman parang may kinakain na maanghang, "hello!!!"

pacute nanaman, "galit ka pa?"

"Sige na, may gagawin pa ko," matamlay na ko.

"Anong gagawin mo?" may balak pang makipag kulitan? parang wala lang ah.

"Magsusulat. Sige na babay na." Tapos binaba ko na agad. Buti pa nga nag byebye pa ko sa kanya e. [utang na loob pa?]

Hay naku. Mababaw ba ko? Oo in a way, pero pag mababaw, malalim din ok?

Ako lang nakakaintindi nun.



Saturday, December 1, 2007

Mensfrustration

Sabado. Schedule ko ng paglalaba ng damit naming magkapatid. Ang hatian namin ng gawain, ako tagalaba hanggang sa pagbabanlaw, kapatid ko naman sa pagsasampay. Kaso nang nagsimula na yung pasukan, naging irregular na ang lahat. Every Saturday yung mga schedule ng mga extra curricular sa school, Minsan si Janine may laro [volleyball varsity kasi siya] so ang ibig sabihin nun lahat ng gawain niya ako gagawa, [kamusta naman un?] Pero ayos lang kasi pagdating ng gabi siya magpplansta ng uniporme namin. Minsan naman ako ang wala ng sabado, nagccover ng event para sa balita ng Dyaryo ng school; o kaya naman may mga unexpected lakad [asus?!] kaya si janine naman ang bahala.

Ngayon sabado, wala si Janine kasali kasi siya sa provincial meet ng secondary schools sa Cavite. Four days siya sa Tanza from Friday to Monday. So yun na nga wala na akong magagawa. Nag-iwan lang naman siya ng mga libagin na damit na ginamit niya during trainings. Medyo marami-rami din yung nilabhan at sinampay ko. Ang sakit sa balakang at sa pwet. Literal. Sa kinamalas-malasan pa, sinabayan pa ng aking buwanang dalaw.




Oo. buwanang dalaw, as in regla, menstruation period at kung ano pa man. Basta ang alam ko parusa 'to.

"Ouch!!!" ang sakit talaga ng puson ko sobra, kasabay ng pagkuskos dito, kusot dun ng damit ang kirot na parang nanunuot hanggang sa utak. Parusa talaga. Tapos napapansin ko parang hindi nababawasan yung labahan ko, ang dami kasi.

Sabi sakin ng teacher ko nung elementary, mag lakad lakad lang daw, para magcerculate yung blood. Sabi naman nung katulong namin dati, tumalon-talon, sabi naman ng lola ko lagyan daw ng mainit na towel sa ibabaw ng puson. Ang daming serimonyas! Buti na lang I master ang art ng "pagtitiis". Sabi nga nila, power of the mind lang. So yun, natapos ko na lahat, nakapag sampay na ko at nakasurvive ako sa cramps destruction. Haay.... Bakit ba kasi may ganung effect pa!

Natatawa ako kasi dati may narinig akong kwentong kutsero noong bata pa ako na nung unang panahon daw, ang mga lalaki daw yung unang biniyayaan ng magkaroon ng buwanang dalaw. Kaso ang baboy daw nila, kung saan saan daw nila pinapahid. Grabe. Pag naalala ko humahagalpak ako sa tawa. Masabi lang may maikwento sa mga bata. Talaga naman oh.



Nung nasa highschool naman ako, napagkkwentuhan namin ang samu't saring kalokohan este kasabihan pala tungkol sa buwanang dalaw, dalawa silang nagkwento nang mga "out of this world" na kwento. Si classmate #1 sabi niya para daw hindi mahirapan habang meron, tumalon daw ng tatlong beses para tatlong araw lang yung mens mo. Natatawa ka na? wala pa yan. Si classmate #2 para daw hindi magkapimples, ipahid mo daw yung panty with fresh blood sa mukha mo. Anak ng... kakaiba talaga! pambihira. O diba? meron ba sila nun? Sa Pilipinas lang merong mga ganyang kalokohan este kasabihan. Grabe.